THIRTY-FIVE

1.9K 53 18
                                    


RACHEL'S POV

"Den.. wala na tayong nakalimutan?"

"Na kay Bebang ung listahan, Ate Chel." -Den

"Wait lang po, puno ung mga kamay ko, nasa bulsa ung listahan. Pakikuha nga Mels... thanks!" Sabi naman ni Bang at lumapit kay Mela para makuha ni Mela ung listahan sa back pocket niya.

"Kung bakit kasi tayo lang, ang dami netong dala natin." Reklamo ni Mela.

Mag aapat na oras na kami dito sa mall. Kami ang inutusan ng team para bumili ng mga kailangan namin sa team building sa susunod na araw.

Hindi din naman kami makapalag dahil ung mga kasama namin, halatang pagod na pagod dahil sa nakaraang red alert.

Seniors lang naiwan sa reserved house since binigyan nila ng 4-day leave sina Jovs kaya pinilit nalang namin silang umuwi muna.. sakto ung pagbalik nila sa team building.

Namimiss ko na siya ..

Pero at the same time, naiirita rin ako.

Sa unit niya umuwi si Jovs.

Ibig sabihin, magkasama sila ni Chaka.

Kung alam ko lang talaga na dun siya uuwi, hindi ko nalang sana siya pinilit umuwi.

Kasalanan mo naman pala bakit siya umuwi...
Anong dinadrama-drama mo jan?
Sabi ng kabilang parte ng utak ko.

Urrgghhhhhh! Nakakainis.

"Oh Ate Chel. Bakit ka na naman nakabusangot jan?" Tanong ni Den.

"Ah.. eh.. wala, wala, may naalala lang."

Papunta kaming department store nung biglang hinawakan ni Bang ung braso ko.

"Wait Ate Chel!... si Ate Jovy yun diba?" Sabi ni Bang sabay turo sa dalawang babaeng papalabas ng hypermarket.

Agad namang nagescalate ung inis ko.

Tsk.. akala ko ba magpapahinga? Eh bakit sila nandito ni Chaka???

Tatawa-tawa pa talaga sila ah.

Wow lang..

Cge lang.

"Tsk.. tara na nga! Nakakasira ng mood!" Sabi ko at tumalikod na.

"Teka, teka! Hindi ba natin sila lalapitan Ate Chel?" Tanong ni Mela habang papalit-palit ung tingin sa amin nina Jovs.

"Sayang oras. Pagod na ako.. para makauwi tayo agad." Nakakunot noo kong sabi.

"Ha??? Ehh... okay." Barely convinced nilang sabi.

Hanggang sa matapos kaming magrocery, hindi na nagbago ung mood ko.

"Hayaan na natin.. mukhang meron siya ngayon kaya moody." Narinig kong bulong ni Mela sa dalawa kaya napaikot nalang ko ng mata.

Lalo pang bumagsak ung damdamin ko nung pagkalabas na pagkalabas namin, grabe ang lakas ng ulan. Tapos medyo gabi na pala.

"Aiissh.. pano to?" Tanong ni Mela habang tinitignan ung tatlong trolley na pinamili namin.

"Wala na tayong masasakyan neto tsk."

"Tsk.. pano to? Wala ba kayong matawagan para sumundo sa atin?" -Den

"Wait lang.. titingin ako. Sa loob muna tayo." Sabi ko at napagdisisyunan namin na kumain nalang muna sa isang fastfood chain.

"Ah.. Hello? JV... si Chel to..."

Wala na talaga akong choice. Kahit nahihiya ako, papatusin ko na.

"Oh Ate Chel. Bakit? Okay ka lang?" concerned niyang sagot.

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon