Chapter 18

1.1M 24.8K 8.5K
                                    

Warning: SPG

-----------------------------

Chapter 18

Ang Le Marcelle

Hindi ako yung tipo ng tao na nag du-dwell sa mga bagay na kaonting detalye lang. Noon pa man, kung anong nasa isip ko ay sinasabi ko iyon, at hindi na ako masyadong nang uungkat. Kung anong sinasabi ng isang tao, madali ko itong matatanggap at hindi mag iisip ng kung anong masama rito.

Pero ngayon, bumagabag masyado sa sistema ko ang sinabi ni Jayden na 'I don't want you to fall'... at ang weird nang di niya pag sagot sa huling tanong ko.

Kaya naman, nang sinundo na kami ng van nina Chase sa pier para sa tatlong oras na byahe papuntang Cebu City.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya nang nagsimulang umandar ang sasakyan. Kaming dalawa lang ang nasa backseat. Do you think he really loves me? Sinabi niya naman saking mahal niya ako, ah? Kahit kailan, hindi ko iyan naitanong sa sarili ko. It's either, sa mga past relationships ko, over confident akong mahal ako ng boyfriend ko... or I just don't simply care if their feelings were true. This time, it's different. Hindi ko matatanggap kung hindi totoo ang feelings ni Jayden sakin.

Pumikit ako at ibinaon sa limot ang mga negative feelings ko. Natatakot akong pag nalaman niyang may mga doubts akong ganito, baka maging katulad ako ng mga ex niya. Napagpasyahan ko na ring wa'g munang i-open yung topic tungkol sa pangatlong ex niya. I don't want him to think I'm too nosy...

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang ulo kong nakasandal sa balikat niya. Kinurot ang dibdib ko. Kahit na nakapikit ako ay mahigpit kong pinagdikit ang mga kilay ko hudyat na pinipigilan ko ang sarili kong magsalita, magtanong at makiusyuso sa ayaw niyang sabihin sakin.

Nakatulog ako sa balikat niya. Nang nagising ako ay nasa lap niya na ako. Tumingala ako para tignan si Jayden na ngayon ay nakatulog na rin. Yung kamay niya ay nasa buhok ko. Para bang nakatulog siya habang hinahaplos iyon.

Dahan-dahan akong umayos ng upo at tumingin sa driver...

"Manong, malapit na ho ba tayo?" Tanong ko habang pinasadahan ng tingin ang nasa labas.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong nasa Mandaue na kami.

"Opo. Mejo nag stop over ho ako kanina para mag gas."

Tumango ako at tinignan si Jayden na ngayon ay kinukusot ang mata.

"Nandito na tayo..." Sabi ko.

Ngumiti siya at tumingin sakin, "We're finally home." Aniya.

Hindi ko alam kung bakit mejo napawi ang excitement kong umuwi. Ngayong iniisip kong nandito na ako sa Cebu, kitang kita ko na yung matatayog na buildings, hindi ko na nararamdaman at naaalala kung bakit excited akong umuwi. Hindi ko na alam bakit gusto kong mag party. Bakit kaya?

Naglahad si Jayden ng kamay sa akin nang nasa tapat na kami ng Riala. Nakalabas na siya at dala-dala niya ang bag naming dalawa.

Ngumiti ako at nilagay ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya.

"Home, Charity." Utas niya.

Tumango ako at tiningala ang matayog na condo ng Riala.

Sumimangot siya, "Oh? Bakit parang malungkot ka? Don't you like it here?"

Umiling ako at nagsimulang maglakad papasok sa loob.

Nakahawak parin ang kamay niya sakin. Hinawakan ko rin ito pabalik nang sa ganun ay hindi kami magkahiwalay.

"I like it here, Jayden. Just here. Hindi ko na masyadong feel lumabas tuwing gabi. Hindi ko na mahanap yung pagkakahumaling ko sa night life." Sabay pasok naming dalawa sa elevator.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon