[W.O.F] CHAPTER 6: UNSOLVED QUESTIONS & THEIR OPINIONS

2.4K 112 4
                                    

S I L V E R

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mga mata ko. Teka anong oras na ba?

"Damn!" sigaw ko ng makitang alas-otso na ng umaga. "Nakaka-asar!" iritado kong sabi at agad akong pumunta sa kwarto ni Clyde.

*knocking sfx*

Buksan mo Clyde please, yari talaga tayo sa mga familiar.

"Buti alam mo." biglang sabi ni Rio, ang familiar ko. Patay na talaga masungit pa naman 'yung familiar ni Clyde. Mabuti naman at agad na binuksan ni Clyde 'yung pinto niya.

"Kagigising mo lang din?!" gulat na sabi niya.

"Din? Ibig sabihin ikaw rin?" tanong ko.

"Patay!" sabay na sigaw namin. Nagkatinginan nalang kami at agad na kaming nag-asikaso. Hindi na kami nag-usap pa dahil tumatakbo ang oras.

"Teka Silver, paki-puntahan nga saglit si Zeth, isa pa yung babaeng 'yun. Baka hindi pa gising." sabi niya at tumango ako.

Pagkarating ko sa kwarto niya, agad kong sinipa ang pinto. Sinadya ko talagang hindi na kumatok dahil hindi naman nagsasara at naglo-lock 'yun ng pinto niya. Pagkapasok ko, nagulat ako dahil wala ng tao.

"Nasa'n na yung babaeng 'yun?" tanong ko sa sarili ko.

"Tsk. Tsk. Tsk. Hay nako daig pa kayo ni Zeth." pagkasabi ni Rio nun, nanlaki ang mga mata ko.

"Himala." sambit ko.


*****


Kararating lang namin ni Clyde sa training field at nakita kaagad namin si Zeth na focus sa pagte-training.

"Ek skýt tuttugu smár striða. Ekku sukīto tuttūgu sumāru sutorīda" bigkas niya at may lumabas na parang maliliit na mga sinulid pero hindi siya solid. Parang hangin lang siya at tumama iyon sa poste.

*explosion sfx*

Malaki ang naging damage nito sa poste pero bumalik din ito sa dati. Isa pa ito sa mga characteristics ng training field. Bumabalik din sa dati ang mga nasisira o nawawasak. Kahit ano pa man 'yan.

Napa-palakpak kami ni Clyde pero hindi man lang siya lumingon sa amin. Nagulat pa nga kami nang makita namin na kinakausap niya 'yung hangin. Anong nangyayari sa babaeng 'to? Nakipag-apir pa nga siya eh. Bigla tuloy akong kinilabutan.

Maya-maya, nagulat nalang ako nang may biglang kumalabit sa akin. Napatingin ako sa kanan ko. Ang tanging nandun lang naman ay si Clyde.

"Wala ako sa mood para sa mga ganyang joke, Clyde." sabi ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako na parang nagtataka.

"Ano bang sinasabi mo?" taka niyang tanong.

"Kinalabit mo ako diba?" sabi ko.

"No. At bakit naman kita kakalabitin?" tanong niya. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Pero May nangalabit talaga eh!

Nakatingin lang ako ng masama kay Clyde habang patuloy parin sa pagte-training si Zeth.

"What?" tanong ni Clyde. Maya-maya nagulat nalang ako ng biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi mo naman ako kinalabit diba?" tanong niya. Talagang hindi kita kinalabit no. Magkaharap kaya tayo. Sa tono ng boses niya, parang kinikilabutan na rin siya. Isa lang ang ibig sabihin nito.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon