Blood 16

15.8K 605 56
                                    

"Wake up."

Napakunot ng noo si Elisse nang maramdaman niyang may tumatapik sa kanya para gisingin siya. Inaantok na bumangon siya pero nananatiling nakapikit ang mga mata. She just wanted to sleep some more.

"Sleepy..." she murmured rather absentmindedly.

Naramdaman niya ang pagbigat ng isang bahagi ng kama. Kumunot ang kanyang noo nang tinapik-tapik ang pisngi niya. Napilitan na rin siyang magmulat ng mata bago magpakawala ng malalim na hininga. Sa bibihirang pagkakataon ay nakaramdam siya ng inis sa naudlot na tulog.

Tiningnan niya ng masama ang kasama. "Adrienne, walang pasok."

"Alam ko." The vampire grinned. "And stop looking at me like that."

"Like what?" she huffed. Hihiga na sana ulit siya ngunit hinawakan siya nito sa braso. She's seriously not in the mood, lalo na kapag maaga pa.

"Like you want to hurt me," Adrienne whispered in her ear. Tumindig ang balahibo niya dahil sa init ng hininga nito at kusang napalayo.

Elisse decided to ignore the reply and closed her eyes instead, once again laying on the soft mattress.

"Matulog na lang ta ─"

"It's turning me on."

Pakiramdam niya'y nilayasan siya ng antok nang dahil lang sa isang pangungusap na 'yon. Tiningnan niya ito at pinanood habang gumagapang ito sa ibabaw niya.

Hinawakan ni Adrienne ang dalawa niyang kamay at ipinatong sa taas ng kanyang ulo. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumitig sa kaharap, pakiramdam ni Elisse pati ang abilidad na mag-isip ay pansamantalang nawala sa kanya.

"It's been a long time since we kissed," Adrienne whispered to her ear.

Hindi nakatulong ang ginawa nitong pagkagat-kagat sa punong tainga niya at ang panaka-nakang pagdausdos ng dila nito sa loob. Parang pati ang hininga niya ay pinapahirapan siya lalo.

Elisse closed her eyes and bit her inner lower lip when Adrienne started to rain kisses on her ear, down to her neck, with fair share of licks and nipping, and biting. Pinagsalikop nito ang mga daliri nila habang nakatingin sa kanya.

Pansin niya ang kakaibang klase ng pagtitig nito. It's like Adrienne's looking at her through her soul, it was as if she's exposed in front of her, and she can't hide anything. Her stare held something more, more than desire. Unti-unti itong nagkukulay ginto ngunit hindi tulad noon, mas namamangha na si Elisse sa nakikita.

"Adrienne..."

The room felt like it was too small, and the air felt too thin that she caught herself breathing deep, her chest heaving up and down. Suddenly, the atmosphere somehow became warm.

"Elisse, can I...touch you?"

Napalunok siya ngunit hindi niya magawang mag-iwas ng tingin. Napatingin si Adrienne sa magkahawak nilang kamay nang mapahigpit ang kapit ni Elisse.

Binitiwan ni Adrienne ang isang kamay ni Elisse upang laruin ang kanyang buhok. Bumaba ito hanggang sa mukha niya. Using her fingers, the now golden eyed vampire traced her eyebrows, her eyes, down to the bridge and the tip of her nose, to her cheeks, down to her lips. She smiled and Elisse blushed. Ano bang ginagawa nito?

Hindi na siya nakapagsalita yumuko ito para siya'y halikan. Her eyes closed, heaving a breath as if she wasn't prepared at all. It was steady at first, Adrienne's just pressing her lips towards hers repeatedly until she slowly moved and Elisse softly did the same.

Elisse's free hand roamed through Adrienne's hair, down to her nape and pulled her closer. Warmth enveloped her.

Lumayo ito saglit at mataman siyang pinagmasdan, kung minsan din ay napapatingin ito sa labi niya at hindi niya maiwasan ang mapalunok.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon