Xav's POV
Naglakad kami pabalik ni Yoongi sa entertainment, nasa unahin naming dalawa si Jungkook na kulang nalang ay sumuntok dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kamao niya.
Anong problema nito?
Tinignan ko si Yoongi, nakita kong nakatingin din ito sa akin habang nakangisi. Kumurot ang noo ko sa akto niya, "Anong tini-tingin tingin mo?" Sabi ko sakanya.
Mas lalo namang kumurba ang labi niya dahil sa sinabi ko, "Wala. Ang GANDA mo lang kasi Xav." Malakas niyang sinabi ang salitang ganda at madiin niya itong sinabi. Mas lalo namang kumurot ang noo ko sa sinabi niya.
Napatigil sa paglalakad si Jungkook kaya ganoon din kami. Pareho kaming nagulat ng bigla siyang humarap sa amin at konting-konti nalang, mapapatay na niya si Yoongi sa sobrang sama ng kanyang mga tingin.
"Hindi ito ang tamang oras para sa landian niyo. Walk fast dahil galit na galit na si Manager." Sabi niya. Tumalikod na siya at nagsimula ulit maglakad.
Gulat akong humarap kay Yoongi dahil sa sinabi niya, naglalandian? "Anong pinagsasabi nun?"
"Wala. Don't mind him. Just walk." Nakangiting naglakad si Yoongi at iniwan ako sa kinatatayuan ko.
Okay, these people are weird. Parang mga tanga.
Sinundan ko nalang silang maglakad hanggang sa makarating kami sa entertainment, nasa labas ang buong Bangtan na may mga tingin na nakakamatay, lalo na kay Yoongi.
"Ano nanaman bang kalokohan ang ginawa mo, Min Yoongi?" Wika ni Namjoon.
"Wala akong alam sa sinasabi mo." Sabi naman ni Yoongi. Mas lalong nairita si Namjoon sa kanyang sagot. Halata sa mga mukha nila ang pagkainis dahil pare-pareho silang namula.
"Wag mo nga kaming lokohin. Kalat na kalat sa social media ang ginawa mo dun sa babae. Alam mo ba kung anong mga pinagsasabi ng mga tao ngayon sayo, ha?! Maging responsable ka naman sa mga kilos mo!" Hoseok burst out.
Babae? You mean, yung babae sa may downtown kanina? Anong ginawa sakanya ni Yoongi?
"There are even videos for heaven's sake! Kitang kita dun sa video kung paano mo hawakan ng pagka-higpit higpit yung braso nung babae at kung paano mo siya pagbantaan! Seriously, are you out of your mind?!" Galit na galit na wika ni Namjoon, "We will not cover you up with your attitude this time, hyung–" hindi na pinatapos pa ni Yoongi magsalita si Namjoon ng bigla niya silang nilampasan ng parang walang nakita.
Namjoon was about to touch Yoongi when I interrupted, "Don't. Touch. Him." Pagbabanta ko sakanya habang hawak hawak ko ang kanyang balikat. It's not Yoongi's fault, hindi dapat siya ang akusahan dito.
"Seriously, Xav?! Are you gonna let that slip and tolerate Yoongi's stubborness? You have got to be kidding me!" Hindi makapaniwalang saad ni Namjoon.
I was starting to get pissed, wala silang alam sa mga nangyari kaya wala silang karapatang husgahan si Yoongi, "You don't know anything. Shut the f-ck up." Pare-parehong nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko.
They should be, ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang inaaragabyado nila ang kapatid ko kahit hindi naman tama. I treat them as my family but this isn't right. They should stop meddling with other people's business.
Nagulat ako ng biglang hawakan ng pagkahigpit-higpit ni Jungkook ang braso ko, pero hindi ko iyon pinahalata, "Your attitude is slowly getting in my nerves, Xabrina. Kailan ka ba titino? Do you hate us that much?" Galit na galit na sabi niya.