Kabanata 46

165K 3.2K 99
                                    

Paano

"I can't go to class like this.." saad ko habang pinipilit ang sariling tumayo.

Nanglalambot pa rin ang mga binti ko kaya nangailangan ako ng tulong ni Evander. Tinulungan niya akong tumayo at mabilis na humawak sa bewang ko para suportahan ako.

"Kung ayaw mong malaman nina Tito Teo ang nangyari, hindi ka pwedeng umuwi sa bahay.." ani Alice.

Magsasalita sana ako nang maunahan ako ni Evander.

"Sa bahay ko, doon na muna.." saad ni Evander.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Naabala ko na sila ng sobra, ayoko ng madagdagan pa ang pang aabalang nagawa ko.

"Hindi ka papasok?" Tanong ko sakanya.

Kinurot niya ang pisngi ko at lalo pang dinikit ang sarili sa akin.

"Wala ng pasok, kaya siguro nakapasok sila Grace, binuksan ang malaking gate kanina at halos lahat ay nag si-labasan na." Aniya.

Napatango nalang ako.

"Sasama ako.." ani Alice.

"Ako din!" Mabilis na wika ni Sky at sinamaan naman siya ng tingin ni Alice.

Ngumisi lang si Sky at hindi man lang binawi ang sinabi.

"Wag na kayo!" Inis na sabi ni Evander habang binubuksan ang pintuan ng rooftop.

Lumabas na kami at napansin kong wala na ngang mga estudyante sa hallway. Bakit wala akong alam na walang pasok ng hapon.. damn.

"Isama na natin si Alice, magtataka sila Kuya.. atleast sasabihin kong kasama ko siya." Pamimilit ko kay Evander.

Hindi ko alam kung bakit ayaw niya silang isama. Ngumuso lamang ito at tumango tango. Tinaasan ko siya ng kilay at lumapit siya sa tenga ko.

"I want to be.. alone.. uh, nevermind." Aniya.

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Umiling nalang siya at ngumisi. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko kasabay non ay paghaplos ng mainit na bagay sa puso ko.

Tinungo namin ang parking lot. Naka sunod lamang si Sky at Alice sa amin.

"Paano yung dalawang lalaki don?" Tanong ko.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at sumakay naman ako doon. Si Alice ay mukhang kay Sky sasakay. Ngumiti ako nang siya ang mag suot ng seatbelt sa akin.

"Si Jacob na ang bahala. Alam niya na ang gagawin don." Sagot niya.

Tumango ako at pinanuod ko siyang hilahin ng konti pa ang seatbelt para masiguradong safe na safe 'yon. Sinara na niya ang pintuan at hinintay ko siyang makasakay sa driver's seat.

"Let's go home.." aniya.

Napangiti ako at tumango. Gustong gusto ko ng umalis. Pinaandar niya na ito at napatingin ako sa side mirror. Nakasunod sa amin sila Sky.

Napatingin nalang ako sa labas ng bintana at nakaramdam ulit ako ng lungkot at takot. Ayoko ng maalala ang nangyari kanina pero nararamdaman ko pa rin sa sarili ko 'yon.. I was never been scared like that..

"Are you okay?" Rinig kong tanong niya.

Napalingon ako sakanya at kita kong pabalik balik ang tingin niya sa kalsada tapos ay sa akin. Tumango ako at marahang ngumiti.

He's here.. I shouldn't be scared.

Kumunot ang noo niya. Napatingin siya sa kamay ko kaya napatingin din ako doon. It was still slightly trembling. Naiyukom ko 'yon para tumigil at matiim kong pinaglapat ang mga labi ko.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon