Chapter 3 -- Falling from Cloud Nine

8.1K 113 1
                                    






Day off ni Ervic kaya namasyal na naman sila ni Natalie sa buong New York. Pumunta sila sa isa sa mga sikat na park sa NYC ang Brooklyn Promenade, nag ice skating rin sila sa Ice Skating Rink at Rockefeller Center. Hindi pa man din marunong mag ice skate si Ervic, first time kasi niya. Natutumba-tumba pa siya kaya itong si Natalie tawa ng tawa kapag natutumba si Ervic.



"Sige lang pag tawanan mo'ko." Sabi ng nagtatampong si Ervic.




"Eh kasi naman nakakatawa talaga. Tignan mo, ang ibang mga bata mas magaling pa sa'yo." Sabi ng natatawang si Natalie. Tinignan naman ni Ervic ang mga bata, tama naman itong si Natalie mas magaling pa ang mga bata kesa sa kanya.




"Pano, eh first time ko pa lang gawin 'to." Pagtatanggol ni Ervic sa kanyang sarili. "Humanda ka ngayon sa'kin." Hinila niya si Natalie at natumba tuloy ito sa rink.




"Why did you do that?" Inis na tanong ni Natalie.




"Edi ngayon alam mo na ang pakiramdam, hindi mo na'ko pag tatawanan." Paliwanag ni Ervic. Itong si Natalie nakasimangot pa rin. Tila nainis sa ginawa nitong si Ervic. "Halika nga dito." Yaya ni Ervic. Then he offer his hand to Natalie.



"Pagkatapos mong gawin sa'kin 'yon. Tss!" Tampong sabi ni Natalie.




"Sorry na. Pangako hindi ko na ulit gagawin 'yon para hindi kana masaktan. Halika na." He smile.



Tinignan ni Natalie ang kamay ni Ervic. Kapagdaka'y inabot niya rin ito at tinulungan siya nitong tumayo. Magkahawak pa rin ang kamay nila.




"Huwag mong bibitawan ang kamay ko para hindi na tayo parehong matumba at masaktan." Tsaka niya hinigpitan ang hawak sa kamay ni Natalie.




"Pangako, hindi kita bibitawan." Biglang silang naglapit sa isa't-isa. Sa sobrang lapit nila ay kulang na lang ay mag halikan sila. Nakatitig lang sila sa mukha ng isa't-isa.




Pagkatapos nilang mag ice skating, pumunta naman sila at bumisita sa The Cathedral Church of St. John the Divine, at pumunta sa mga museum tulad ng Metropolitan Museum of Art at American Museum of Natural History. At ang last destination nila ay ang Circle Line 3 hour full Island Cruise. Sa cruise na 'yun pinuntahan nila ang Statue of Liberty, Ellis Island, South Street Seaport at ang Empire State Building.



Lahat ng 'yon napuntahan nila na silang dalawa lang at masaya sila at super nag enjoy talaga.




"This is my best vacation ever." Sigaw ni Natalie nung nasa cruise sila.





Habang naka ngiting nakangiti sa kanya itong si Ervic. "Masaya dahil nalibot mo ang buong NYC?"





"Bukod do'n, may isa pang dahilan kung bakit ako masaya." Tinitigan niyang mabuti si Ervic. "Masaya ako kasi nakilala at nakasama kita."





Pagksabi nun ni Natalie napatitig lang din sa kanya si Ervic. Waring nangungusap ang kanilang mga mata. Imbes na sumagot hinawakan lang ni Ervic ang kamay ni Natalie.




Imbes na mag taxi sila pauwi, nag suggest si Ervic na mag bus na lang para daw ma experience ni Natalie ang mag bus. Never pa kasi siyang sumakay sa mga public vehicles. Sa pinaka dulo sila ng bus sumakay. Sa haba ng byahe napapa idlip na si Ervic kaya nahihilig siya sa mga balikat ni Natalie. Natatawa tuloy itong si Natalie sa naiidlip na si Ervic. Hinawakan niya ang ulo ni Ervic at dahan-dahang inihilig ng mabuti ito sa balikat niya.




The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon