Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

CHAPTER 4: FIRST DAY OF CLASS

247K 7.2K 659
                                    

MIKA

"Good morning, best friend," bati sa 'kin ni Charlie na nakaayos na. Tiningnan ko si Kyle at nakaayos na rin siya.

"Good morning din," sagot ko. "Ang aga niyo 'atang nagising. Anong oras ba ang class natin?"

"Eight," tipid na sagot ni Kyle.

Tinignan ko ang orasan. Seven thirty na.

"Shet," bulong ko. Kinuha ko agad ang uniform ko at dumeretso sa banyo. Ginusto kong patayin si Charlie dahil hindi man lang niya ako ginising.

"Walang papasok, a," sabi ko. Napatingin sila sa 'kin. Alam kong may lock ang pinto ng CR, pero napaisip ako na baka may susi si Kyle.

Ang awkward maghubad. Natakot ako na baka may pumasok na lalaki, o baka may manilip, o baka may hidden camera. I was getting paranoid. I forced myself to concentrate on showering. Fifteen minutes in, I was only halfway done when someone knocked on the door.

"Hoy, Miko!" sigaw ni Kyle. "Naiihi na ako! Papasok nga!"

Sisigawan ko sana siya na bastos siya, pero naalala kong hindi ko pwedeng gawin 'yon. Hindi rin ako pwedeng makita na nakatapis na full-body kung lalaki ako kunwari. Sabagay, bakla naman ang tingin niya sa akin, pero baka hilahin niya ang towel at makita ang aking dibdib—

"Bilisan mo!" sigaw niya. "Ano ba!"

Nataranta ako. Bahala na nga. Nagmadali akong nagbanlaw, nagbihis, at lumabas sa CR na para bang sinapian ni The Flash. "O, ayan na."

"Tapos ka nang maligo?"

"Hindi, maliligo pa lang," sarcastic kong sagot. "Anong tinatanga-tanga mo riyan?"

Tiningnan niya ako nang masama bago pumasok sa C.R.

Inayos ko ang sarili ko sa salamin. Lumabas sa CR si Kyle at tumayo sa likuran ko. Nakita ko sa salamin ang kanyang matulis na titig.

"O, bakit?" mataray kong tanong.

"May nakalimutan ka 'ata."

Nagkunwari akong nag-isip nang maigi. Hindi ako makalimutin, kaya hindi ko alam kung anong sinasabi niya.

"Nakalimutan mo 'ata na boss mo ako. B-O-S-S."

"Hindi ko po kaya nakalimutan, boss," sabi ko't ngumiti sa kanya.

"'Yon pala, e. Ayusin mo ang mga sagot mo sa 'kin, ah. Kapag inutusan kita, sumagot ka agad!"

Ang sarap niyang sakalin.

"Sagot!" sigaw niya.

Napaatras ako. "O-okay po, boss," sabi ko. No'ng paalis na siya, binulong ko sa sarili ko: "Epal talaga..."

"Ano 'yon, beks?" tanong niya.

"Wala po, boss." Leche flan ka! "May kailangan ka pa?"

"Oo. Gusto ko, kapag tayo-tayo lang ni Charlie, 'wag ka nang magpanggap na lalaki. Maging normal na bakla ka lang."

Napatigil kami pareho. Nagtaka ako kung ano ang tinira niya.

"Pinaka-ayoko kasi ang taong sinungaling o kaya nagpapanggap. Kaya maging natural ka sa harapan ko. Kuha mo?"

Napatigil na naman ako.

"Sagot!" sigaw niya.

"O-opo, boss."

Ngumiti siya bago lumabas sa dorm.

Kailangan kong panindigan ang pagiging bakla kapag kaming dalawa lang. Nalito ako. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ako.

***

CHARLIE


"Bad trip!"

"Problema mo, best friend?" tanong ko.

"Si Kyle kasi, dakilang panggulo sa buhay ko! Bwiset siya!"

Mabait naman ang pare ko na 'yon. Hindi ko alam kung bakit hindi sila magkasundo.

"Teka, si Marco ba 'yon?" tanong niya.

"Siya nga. Ano na namang iniisip mo?"

"E bakit siya pumasok sa room natin?"

Napatingin kami sa isa't isa.

"I'm gonna die na talaga!" she shouted.

Tinakpan ko kaagad ang kanyang bibig. "Mag-ingat ka nga," sabi ko bago tanggalin ang aking kamay. "Baka mamaya, may makahalata sa 'yo."

"Oo na. Sorry naman, 'di ba? Nagulat lang, e."

Pagpasok namin sa room para sa Physical Education class, nando'n na ang buong Dorm B at Dorm A. May ilang estudyante na galing sa Dorms C at D. Sana hindi kami mag-swimming today; mabubuking talaga si Mika no'n.

Tinawag kami ni Sanjie mula sa likuran, kung saan kasama niya ang iba naming mga ka-dorm. "Charlie, dito!"

Lumapit kami sa kanila.

"Miko, dito ka na lang umupo," sabi ni Sanjie bago tinuro ang upuan sa tabi ni Marco. Mukhang nanigas at namutla si Mika at tahimik na umupo ro'n.

"Miko, okay ka lang ba, bro?" tanong ni Kean. "Parang may sakit ka 'ata?"

Tinuro ni Akon ang upuan ni Marco. "Baka natatakot si Miko kasi katabi niya si Marco," pabulong niyang sabi. "'Di ba may date sina Miko at Victoria? Girlfriend 'yon ni Marco, e."

Hindi 'ata alam ni Akon na narinig ko siya. Hindi ko lang alam kung narinig din ni Mika.

"Ano ba kayo? Lalaki 'yang si Miko," sabi ni Kean.

"E anong connect n'on, ha?" tanong ko.

Napakamot din ng ulo si Kean. "Ewan? Basta, lalaki siya." 

Napakamot din ng ulo si Kean sa sinabi niya. Binatukan namin siya, maliban kay Kyle na nasa tabi ng bintana at malayo ang tingin. Napalingon sa 'min si Mika; ang sama ng tingin niya.

Maya-maya, dumating ang gwapong chick magnet na si Marco, ang leader ng Dorm A at ang Taekwondo Club President. Isa siyang malaking tao, seryoso ang mukha pero palatawa rin naman. Ewan ko ba kung bakit patay na patay sa kanya si Mika. Kung tutuusin, mas madaming mas deserving kay Mika kumpara kay Marco.

"Uy, nandiyan na ang bagong teacher natin!"

"Balita ko, babae raw 'yon!"

"O? Baka naman matandang dalaga na," sabi ni Charlie.

Nagtawanan silang lahat. Once in a blue moon lang kasi kami nagkakaroon ng babaeng teacher dahil all-boys school kami. Pakiramdam ko, terror teacher 'yon. Matandang dalaga siguro.

Nawala lahat ng ingay sa room nang biglang bumukas ang pintuan. May isang maputi't magandang diyosa na pumasok sa room. Anak ni Zuma. I fell in love at first sight.

***

MIKA

"Good morning, class. I'm your new P.E. teacher, Sandy Park. Just call me Ma'am Sandy."

Napatingin ako kay Charlie. Halatang tinamaan siya. Maganda nga naman kasi si ma'am. Marunong din ako mag-appreciate ng beauty. Ang mga lalaki naman, parang first time nakakita ng babae sa katititig kay ma'am. Sana hindi siya maldita . Baka lumabas din ang pagkamaldita ko nang hindi sinasadya.

"Teka, all-boys school 'to, 'di ba?" tanong ni Ma'am Sandy. "Tama ba ako?"

"Yes, ma'am!" sabi ng isa naming classmate.

Napatingin sa 'kin si Ma'am. "E bakit may babae tayo rito?" 

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Tina Lata, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Tina Lata
@blue_maiden
Unable to move on from the break up, girly and sassy Mika goes throug...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 22 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @blue_maiden.
Lady in Disguise (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon