Chapter 37

326K 3.8K 529
                                    


Chapter 37

KEI'S P.O.V

Iniwan niya akong mag isa sa kwarto, sinubukan ko siyang habulin pero inalalayo niya ang kamay ko sakanya na para bang pasong paso siya sa tuwing hahawakan ko siya.

Kasalanan ko rin naman lahat ng ito, pinangunahan ako ng takot at hindi ako nagtiwala sakanya na ako lang ang mamahalin niya ng hindi dahil sa mukha ko. Hindi ko manlang sinubukan na sabihin sakanya ang katotohanan, maling mali talaga ako.

"Okay lang ako Tom!!" Sigaw ko sakanilang lahat dahil kanina pa sila nagtatalo na dalhin na ako sa ospital dahil sa pagkawala ng malay ko ng dumating sila. I'm alright at ramdam ko rin naman na okay ang anak ko...pero yung puso ko hindi. Durog na durog ito dahil nakita ko nanaman ang pag iyak ng lalaking minahal ko ng sobra sobra. Nakita ko ang sakit na nararamdaman niya dahil sa akin...

Sobrang bigat ng mata ko dahil sa kaiiyak ko...

"Yo-you're pregnant..." Nauutal na bulong ni Marie, hindi ko siya pinansin... Pinunasan ko ang luha ko at nag iwas ako ng tingin sakanilang lahat...Ayoko ng kausap ngayon, dahil kahit anong gawin nilang pag aalo sa akin hindi nila maaalis ang sakit na nararamdaman ko ngayon, mas masakit pa 'to nung nakita kong kahalikan niya ang kakambal ko, dahil ito yun eh...Iniwan na niya ako, sinukuan na niya ako.

"Hindi! Hindi siya buntis! Haay nako talaga! Napakatanga mo talaga Marie!" Naiinis na sigaw ni Jade, hindi ba ako ang tanga dito? Ako ang tanga na hinayaang mauwi ang lahat sa ganito bago ko marealize na mahal na mahal ako ni Kyle bilang ako, bilang Kei.

Naninikip pa rin ang dibdib ko sa mga salitang binitawan niya kanina... Hindi ko alam kung paano ko maibabalik ang dating kami...ang dating Kyle na mahal na mahal ko. Ayokong sabihin na buntis ako dahil hindi ko rin naman gugustuhin na balikan niya ako dahil lamang sa responsibilidad na ito.

Tama siya wala akong tiwala sakanya...Dahil kung meron, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Mariin kong ipinikit ang mata ko at naramdaman ko nanaman ang pagtulo ng luha ko ng makita ko sa isip ko ang mukha niyang punong puno ng sakit dahil sa akin. Naririnig ko pa rin hanggang ngayon ang hinanakit niya sa akin.

"I'm sorry Kei...pero sobrang sakit kasi talaga...Hindi ko na nga alam kung paano mawawala 'tong sakit...Kasi tuwing nakikita kita mas lalo lang tumitindi yung sakit dito..."

Iminulat ko ang mata ko ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko, at halos manginig ang buong katawan ko ng makaramdam ako ng galit.

______

MARIE'S P.O.V

"Dammit! Ano ba?!Ibaba mo nga ako!!" Sigaw ko sa isang lalaki na epal!

"Ahh!Bakit mo ako binato?!!!" Sigaw ko! This man is getting into my nerves! Marahas niya lang naman akong ibinato sa kama! Bwisit talaga 'tong mga kaibigan ni Kei!

"Sabi mo ibaba kita?" Nakasmirked na sabi niya!

"Bobo ka ba? O sadyang bobo ka lang?! Hindi mo ba alam ang pagkakaiba ng ibaba sa ibato?" Naiinis na sigaw ko!

"Aish! Pwede manahimik ka? Ingay mo! Tatakas ka pa ha!?" Sigaw ni Jade, bwisit talaga bakit ba ako sumama dito na mag cr! Ngayon magkasama na si Kei at Kyle...

"Hoy! Ikaw bakit mo ba kasi sinisira ang buhay ni Kei ha?" Sigaw nung Jelly!

"FYI! Hindi ko sinisira ang buhay niya! Kasalanan ko bang ipamigay niya yung boyfriend niya?!" Yeah right, boyfriend niya... Geez, ngayon pinag sisisihan ko na nagpanggap akong siya... Like, what the fck. Nakakaboring ang buhay niya, at isa pa habang tumatagal naboboring na ako kay Kyle... Yeah gusto ko siya, gusto ko lang siya! Ewan ko ba kung bakit sinabi kong mahal ko siya, maybe dahil gusto kong mainis sa akin si Kei... Ano ba? Buong akala ko nag iisa lang ang mukha ko sa mundong 'to tapos bigla ko na lang malalaman na may kakambal ako? Kinaiinisan ko talaga na may kaparehas ako. Psh.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon