Chapter 8 -- Secret Valentine

5.7K 86 0
                                    

Niyayang mag shopping ni Natalie ang kanyang Ate, bonding time na rin para sa kanilang magkapatid. Matagal na rin kasi since nung last na nag shopping sila together. Nung wala pang pamilya si Ayen, shopping ang bonding nilang dalawa. Natigil lang nang mag-asawa ito.



Napag kwentuhan nila si Ervic. At syempre na kwento ni Natalie sa kanyang Ate kung ano man ang meron sa kanila.



"Natalie, just stop what ever you're doing."



"Ate, were just having fun. Wala akong nakikitang masama do'n. Besides wala kaming sinasaktan." Pagtatanggol ni Natalie sa sarili.


"Ano'ng walang sinasaktan? Naririnig mo ba ang sarili mo, Natalie? Niloloko niyo sila. Pa'no pa 'pag nalaman nila ang katotohanan na may namamagitan sa inyong dalawa ni Ervic?"



Hindi sumagot si Natalie. Tumingin-tingin lang siya sa mga damit na naka display.



"Si Martee, siya ang boyfriend mo. Sa kanya ka dapat nagpapaka saya. Naniniwala akong mahal mo naman talaga si Martee, may be nahanap mo lang sa iba ang hindi mo mahanap sa kanya. At ang mga bagay na 'yon ang nagustuhan mo sa kanya hindi yung mismong tao."



"Pero Ate, iba talaga ang nararamdaman para kay Ervic. Iba kay Martee. Sa tingin ko nga mahal ko na siya."



"Sinabi niya bang mahal ka niya?"



Sandaling nag isip si Natalie. "No." Mahinang sagot nito.



"See? What if, it's just lust and not love?"



"Hindi ganong tao si Ervic." Pagtatanggol nito.



"Natalie, kapatid kita, mahal kita kaya ko 'to sinasabi sayo. Ayokong mapahamak ka at masaktan sa bandang huli. Masakit kapag nalaman mong may ibang babae ang asawa mo."



"Hindi ko sinisira ang pamilya niya at wala akong balak agawin siya sa asawa niya. I'm not and never will be a mistress."



"Eh anong tawag mo sa ginagawa mo?" Tahasang tanong ni Ayen.



"Like I've said, were just having fun."



Kumuha ng maraming damit si Natalie at pumunta na sila sa counter.



Napapa iling nalang tuloy si Ayen. "Ang dami niyan. Masusuot mo ba lahat ng yan?" Tanong nito.



"The more the merrier. I don't want to stuck in just one alone."



"You can only wear one at a time. So you have to let go of the other. Piliin mo kung ano talaga ang gusto mo."



Alam ni Natalie na hindi ang mga damit ang tinutukoy ng kanyang Ate, kundi sina Ervic at Martee. "I'm gonna buy all of these. Dito ako masaya." She said.



Paglabas nila ng shop may nakabanggaang isang babae si Natalie. Nang makita niya kung sino ito. "Ate Carlyn?" Gulat na sabi niya.



"Natalie, ikaw pala." Sabi naman ni Carlyn.



Napatingin si Natalie sa kasama nitong si Carlyn at walang iba ito kundi si Ervic. Nginitian lang siya nito.



"Uhm by the way kapatid ko nga pala si Ate Ayen. Ate si Ate Carlyn kapatid ni Martee." Pakilala ni Natalie sa dalawa.



"Hi, Carlyn." Nag shake hands sila ni Carlyn.


"At si---- Ervic, asawa ni---- Ate Carlyn."



The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon