Chapter 14

671K 18.2K 4.2K
                                    

Chapter 14


Totoo ba ang nangyayaring ito? Hindi kaya nananaginip lang ako? Totoo ba ang pinapakita sa akin ni Nero Ferell?

I don't understand. Hindi ganito ang inaasahan ko.

Bakit ganito ang salubong niya sa akin? Hindi ba dapat ay isumpa at kasuklaman niya ako sa ginawa kong pag iwan ko sa kanya? Hindi ba dapat matinding galit ang kaharap ko ngayon? Hindi ba dapat hindi mga halik ang sumalubong sa akin sa mga oras na ito?

Why all I can see right now is his loving eyes on me.

Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko alam ang gagawin ko. I can't look on his eyes any longer. I don't deserve this. Hindi dapat ganito. Bakit sinusuyo niya pa rin ako?


"Florence.." pilit niyang sinasalubong ang mga mata ko. We're still an inch close and I can hear his hard breathing. I can't even breathe well.


"Look at me Florence..." dahil hawak pa rin ng mga kamay niya ang mga pisngi ko pilit niya itong iniharap sa kanya para magtama ang aming mga mata.


"Come back to me.." masuyong sabi niya sa akin. Marahan niyang hinalikan ang noo ko. Halos magtaasan ang balahibo ko sa ginawa niya. His kiss on my forehead..


"Hindi na pwede.." mahinang sagot ko sa kanya.


"We can Florence..I can, just tell it. Just tell me you want me again...just tell me you wanted to come back..."

Nagsisimula na akong maguluhan sa pinagsasabi niya. He told me that he has his fiancé already, anong magiging sitwasyon naming dalawa? Secret lovers? I don't get him. Ano na naman itong pinapasok ko?


"We can't Nero..I'm engaged and you as well. Mali itong pinapasok natin.." pinilit ko siyang itulak pero bahagya lang siyang napaatras

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. Tang ina siguradong sirang sira na ang make up ko ngayon. Paano pa ako lalabas nito?

He's still unpredictable as always. Hindi ko akalaing maglalakas loob siyang pasukin ang washroom ng mga babae para makapagsalarinan kami. Bahagya kong sinulyapan ang pintuan. This is no good kahit alam kong nakalock ang pinto, anumang oras ay may maaaring gustong pumasok dito.

I need to finish this conversation before I fully ruined this event.


"Don't use that reason on me Florence..alam kong wala kang nararamdaman sa gagong Ashong na 'yon!" tumaas na ang boses niya sa akin.

Pero kailangan kong hindi magpatinag. Come on Florence..finish this. Alam mong kung papayag ka sa gusto niyang mangyari marami na namang mababanggang tao.


"Paano mo nasabi? Kasama ko siya ng mahigit na apat na taon Nero! Madaling mahulog sa kanya" Pilit kong pinalakas ang boses ko para paniwalaan niya ako.

Mas lalong naningkit ang mga mata niya sa akin at halatang halata sa reaksyon ng kanyang mukha na hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

Ngumisi lang siya sa sinabi ko.


"Then you wouldn't let me kiss you if you're in love with him" tumaas ang kilay niya sa akin. Habang ako naman ay natahimik sa sinabi niya. Shit!

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon