10th

145K 2.3K 17
                                    

Zoe Kaila Esteban

Pagkarating ng Sabado ay inihabilin ko muna muli kay Onin sila Melanie at Jeric dahil walankami ni Joshua sa bahay. Magpupunta na rin kami ni Joshua sa clinic para naman makapag pacheck-up na siya.

"Tapusin niyo nga kailangan niyong tapusin na assignment, huh? Babalik kami ni kuya mamaya." Bilin ko sa kanilang dalawa.

"Anong oras kayo uuwi, ate?" Tanong ni Melanie.

"Hindi ko pa alam e. Panalangin niyo sana na wala masiyadong tao para mabilis lang." sabi ko sa kaniya. Tumango naman ito bilang sagot sa akin.

"Ate, pwede ako mag-laro pag-tapos nito?" Tanong ni Jeric at tinuro ang sinusulat niya.

"Oo naman. Makikinig ka kay Ate Melanie mo, huh?" Sabi ko naman kay Jeric.

"Opo, ate." Nginitian ko naman siya at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok.

"Onin, salamat. Paki-bantayan nalang sila. Ikaw lang kasi mapagkakatiwalaan ko rito." Sabi ko kay Onin habang inaayos ang aking bag.

"Wala iyon! Sige na, baka hapunin pankayo ni Joshua." Aniya at kumaway.

Naglakad naman na kami ni Joshua patungo sa sakayan para mag-punta na sa clinic na kung saan siya magpapa-check up ulit.

Humawak naman si Joshua sa aking braso habang naka-sakay kami sa jeep. Nilingon ko ito para tignan kung may masakit ba sa kaniya. Nakatitig labg ito na para bang may gustong sabihin sa akin.

"Natatakot ako, ate." Sabi nito sa akin.

"Bakit naman? Huwag kang matakot, kasama mo naman ako." Sabi ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay na naka-kapit sa aking braso.

"Sana hindi malala ang sakit ko, ate. Ayaw na kitang mahirapan sa pagtatrabaho." Aniya. Napabuntong hininga naman ako sa kaniyang sinabi.

"Walang wala kay ate ang mag-trabaho para  mabigyan kayo nang magandang buhay." Sagot ko sa kaniya at hinaplos ang kaniyang ulo.

Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa clinic na paruroonan namin. Pinara ko naman na ang jeep at bumaba sa kabilang kalsada. Hinintay naman namin ni Joshua na maubos pansamantala ang dumadaang nga kotse bago tumawid.

Habang nag-aabang ay bigla akong nakaramdam na para bang mayroong nakatanaw sa akin sa malayo. Kusang lumingon ang ulo ko sa paligid para hanapin kung saan nanggagaling ang pakiramdam ko na ito. Bawat tao na dumadaan sa aming harapan ay tinititigan ko para mahuli ang taong maaaring naka-tingin sa akin.

"Ate, tara na." Pag-tawag ni Joshua sa atensyon ko.

Hinawakan ko naman siya sa kamay at sabay kaming tumawid dalawa ng kalsada. Napahawak ako saglit sa aking dibdib nang hindi mawala-wala ang kaba na aking nararamdaman. I can really feel that someone is watching us from somewhere.

"Okay ka kang, ate?" Tanong ni Joshua.

"A-ahh, Oo. M-mainit lang kasi." Sagot ko sa kaniya.

"Tara na." Tumango naman ito sa akin at nag-simula na kaming mag-lakad. Mahigpit naman akong napahawak sa aking bag at napabuntong hininga.

Guns and Obsession (Guns Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon