misadventure 13 part two

2.4K 17 2
                                    

"Marco."

Shit talaga. Sumunod pa siya.

Hindi ko siya tinignan. Kahit alam kong naglalakad na siya palapit sa'kin at kahit tumabi siya sa'kin.

"Ang weird natin no?"

Super weird. It's a weird feeling. Something na parang ngayon ko lang naramdaman.

"Parang... Nararamdaman ko na rin yung nararamdaman mo."

My eyes widened. I looked at her. Nakatingin na pala siya sa akin kanina pa.

Tama ba ang naririnig ko? She's-

"Parang..."

Is she-

"I think I'm-"

Is she in love with me?

Too?

"Parang ganun din yung nararamdaman ko."

"Anong ganun din?" Bakit di niya pa kasi deretsuhin?

"Ganun din. Yung... Nararamdaman mo." Hindi niya masabi. Hindi niya rin siguro matanggap kagaya ko.

"Alam mo ba kung anong nararamdaman ko?" Humarap na ako sa kanya.

"Yung ano..." Hindi siya makatingin sa akin. "Yung... L."

"Anong L?"

"Marco naman! Ano pa bang L?!"

"L could mean a lot of things. Like love."

Kumunot ang noo niya. "Hindi yun."

She looked away kaya hindi niya nakita na nasaktan ako sa sinabi niya. 'Hindi yun'. So it's not love that she feels.

Gago ka kasi Jeric. Umasa ka naman agad na pareho kayo ng nararamdaman eh ngayon mo nga lang inamin sa sarili mo na in love ka sa bestfriend mo. You think, she'll look at you the way you look at her? Eh tomboy nga siya. Pareho kayo ng hanap.

Umiwas ako ng tingin when she looked at me. "Yung ano kasi..."

"I get it." Kanina pa. "Magbreakfast na nga lang tayo. Nagugutom na ako." Iniba ko na ang usapan just to cover up the pain.

Naglakad na ako pabalik ng bahay.

"Breakfast? Di ka pa nga nagluluto eh." Sabi niya habang sinusundan ako.

Kinuha ko ang baon kong toothbrush at toothpaste sa bag at pumasok sa c.r.

"Paano tayo kakain?"

"Pwede namang bumili sa labas."

"Wala namang restaurant sa labas eh."

Hayy... Minsan ang tanga talaga ni Zang. Kung di lang kita mahal eh.

"Pero sige na nga. Ikaw ang bahala." Tumalikod na siya. "Kukunin ko lang ang- UGH!" Humarap ulit siya bigla. Napatingin tuloy ako sa kanya. "Wala akong dalang toothbrush!"

Tanga na nga ang nagmamahal sayo, tanga ka din. Toothbrush lang...

Tinapos ko na ang pagtu-toothbrush ko at binigay sa kanya ang ginamit kong toothbrush. "O,"

"Marco naman. Ibabalik mo lang sa bag mo. Di mo pa magawa. Iuutos mo pa sa'kin."

Kung bestfriend pa rin ang tingin ko kay Zang, nabatukan ko na 'to. "Gamitin mo. Magtoothbrush ka."

"Eh ginamit mo na 'to eh!"

"Eh di wag." Inagaw ko na ang toothbrush ko. "Tignan ko kung di ka mahiya lumabas."

Insanely In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon