Chapter 36

2.2M 94.1K 117K
                                    

Chapter 36: Thank you

Zein's Point of View

Ilang araw na rin ang lumipas nang magtapat sa akin si Matt. Wala namang nagbago, we are still what we  used to be. Walang ilangan sa pagitan namin, in fact, mas naging close pa nga kami e. Alam na rin ng iba naming kaibigan ang nangyari doon dahil nag-eavesdrop pala sila sa amin.

Seriously? What's the purpose of privacy? Geez.

"Look who's coming baby," Jerome said in a chant tone.

Napatingin naman ako sa likod ko kung saan makikita ko si Supremo na naglalakad while hands in pocket, kasama nya si.. Angel.

Muli ko na lang ibinalin sa mga kaibigan ko ang aking tingin. They are smirking like a shit. What's wrong with them?!

"Can I join you guys?" Tanong ng isang mala anghel na boses.

Why not?

Naramdaman ko ang pag-upo ni Supremo sa gilid ko at ramdam ko rin ang nakakalusaw nyang tingin, alam ko rin na nakakunot ang kanyang noo. Alam ko rin na nagtatanong sya bakit hindi ko sya pinansin. I know you so well, Supremo.

"Sure!" Wika ni Matt kay Angel at pinanghila pa ito ng upuan.

Napatingin ako kay Supremo nang kalbitin nya ako. Nakakunot nga ang kilay nito at nakaawang ng konti ang bibig. "What?" Malamig kong tanong sa kanya.

Tumikhim naman ito bago sinulyapan ang plato kong puro gulay. Here we come again.

"I would love to bring you a bermuda grass if you would just tell me."

Oh Men! He is really a dictator!

"Ano bang pakialam mo?" Pagsusungit ko.

Napayuko na lang ako nang mapagtanto na nakatingin pala silang lahat sa akin.

"Ah, Supremo? Zein is on diet." Natatawang sambit ni Jerome. "Laging gulay ang kinakain nya. Hindi ko nga alam kung nakukuha nya ba ang sapat na sustansya e. Pagsabihan mo nga." Dugtong pa nito.

Tinaasan ko ng kilay si Jerome. "Ako na ang bahala sa isang 'to." Pagpapaalam ni Vanessa bago hinila ang damit ni Jerome palabas ng cafeteria.

Napangiwi ako nang masulyapan ang seryosong si Supremo. Nakakatakot talaga sya pag seryoso. Alam kong nagpipigil syang sigawan ako at parang gusto kong puriin si Jerome sa mga sinabi nya.

"We have to go," Pagpapaalam din nina Mia at Dave na kapwa magkahawak kamay.

UGH!

"Uh, Angel? Gusto mo munang mamasyal?" Aya ni Matt kay Angel.

"Walang pasyalan dito." Sagot ko.

"Meron. Sa park." Sagot naman ni Matt.

"Hindi 'yon pasyalan kaya mas mabuting dito na lang kayo." Suhestyon ko dahil ayokong maiwang mag-isa kay Supremo. Pakiramdam ko ay kakainin nya ako.

Okey?

"Ah sure!" Nakangiting sang-ayon ni Angel. Kinuha na ni Matt ang bag ni Angel at sya na ang nagbitbit.

Bakit sa akin hindi nya ginagawa 'yon? Bakit kay Angel ginawa nya? Friendship over!

"Matt!" Sigaw ko pero hindi na nya ako pinansin.

Tatayo na sana ako nang magsalita si Supremo. "Uupo ka o itatali kita sa akin?" Tanong nya.

Napaisip naman ako kung ano ang dapat kong piliin at parang gustong isagot na 'Itali mo ako Supremo.' Sa halip ay umupo na lang ako ulit.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon