Chapter 57.

13K 523 274
                                    

Chapter 57.



CLARENCE'S POV.


Nagulantang ang umaga 'ko nang pag gising 'ko ay wala na si Marga sa tabi 'ko. Damn that woman! Lagi nalang aalis pagtapos magpakasarap sakin.. Hehe. Sarap ni Marga. Miss na miss ko siya grabe! Kahit ano talagang gawin ko ay patay na patay ako sa babaeng 'yun. Ano kayang gayuma nun?



Kagabi, ilang beses siya nag 'i love you so much, Clarence' sakin kaya kampante ako na magkakabalikan din kami. I knew it, na hindi parin siya talaga tapos sa akin at ganon din ako sakanya. Putek! Ang cheesy! Parang 'di ako!



Handa naman akong tumayong ama sa anak niya eh. Matatanggap ko yun noh! Ituturing ko na parang totoong anak ko 'yung bata.



Mas nagulantang ang pagpapantasya ko kay Marga nang may mag doorbell. Nagsuot muna ako ng tshirt at boxers bago salubungin iyon.



Pag bukas 'ko, si Heira. With her kid. Tss.




"Daddy!" Sinalubong ako ng yakap ni Lily.




Binuhat ko muna si Lily, "What are you doing here?"




"I'm leaving, Clarence." Malungkot na sabi niya. "I know you can give Lily a better life than I could. I know she's not yours pero nagmamaka-awa ako... Babalikan ko din siya kapag okay na ang lahat." Aniya.




"Where are you going?" Ang tanong 'ko.



"Aalagaan ko si Mommy sa states.. Alam 'kong alam mo na ang lahat ng 'to so.. Is it okay? Na ipaubaya ko muna si Lily sa'yo?"



Napalunok ako. Napamahal na din sa akin ang batang 'to kaya hindi ko magawang tumanggi. Nakakaawa din naman kung isasama pa si Lily sa states with Heira dahil alam 'kong 'di niya maalagaan ang anak niya dahil she'll be busy with her mother.




"Ako na ang bahala sa 'kanya.. Take care, Heira." Ngumiti ako ng tipid sakanya.



She kissed Lily one more time at pinasok na sa condo 'ko ang mga gamit ng bata.. Umalis nadin siya agad pagtapos nun.


This kid is not mine. I'm not the father. Inamin ni Heira sa akin na she's been having an affair with an old businessman dahil nga gipit na gipit sila and wala na siyang maipadala sa Mommy niya sa states. Si Lily ang bunga. For 2 years, itinago ito sa akin ni Heira. Kung hindi lang namatay ang matandang businessman na iyon ay hindi niya pa aaminin sa akin na hindi ako ang ama. That's the reason why I broke up with her. Napamahal na ako kay Lily kaya walang problema sa akin na ako ang magpapalaki sakanya.



Ang sakit lang isipin na hindi pa ako nagkakaroon ng sarili kong anak at asawa. Haha. Si Marga, nabuntis ng iba. At ganon din si Heira. Maybe this is my karma dahil babaero ako noon. Well, walang kaso sa akin na hindi kami nagkaanak ni Heira. I don't love her anyway. Pero si Marga! Si Marga na mahal na mahal 'ko!


Gustong gusto ko na mag settle down.. With Marga, ofcourse. Gusto ko na siyang pakasalan. Gusto ko ng tumira sa isang bahay kasama ang anak niya at ang anak ni Heira. Considered as family narin siguro iyon kahit hindi ako yung ama ng mga tinuturing kong anak.



"Daddy, play!" Pumalakpak si Lily sa harapan 'ko. She's a beautiful kid, nagmana kay Heira. Lahat ng features ay nakuha kay Heira kaya for sure lalaking dyosa 'to.



"Sige baby. Daddy will just take a bath and we'll go to Kuya Cleo's mall. Okay?"



Pumalakpak si Lily. Iniwan kong nakabukas ang banyo ko habang naliligo para nababantayan ko padin si Lily. Binihisan ko siya at agad din kaming umalis.



Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon