BDOD #63

14.3K 476 95
                                    

Hanggang sa...









Dumating ang araw na pinakahihintay ng pamilyang Viceral. September 26 ng isugod si Karylle sa hospital dahil sa pagputok ng panubigan nito; senyales na manganganak na siya. Naaaligaga namang kumilos si Vice na siyang nagmamaneho habang si Karylle ay nasa backseat kasama ang biyenan. Hindi mo makikitaan ng kaba ang mukha ni Karylle dahil she feels safe naman because of Vice. Tumatagaktak ang pawis ni Vice nang makarating na sila sa tapat ng hospital. He immediately call for assistance at agad namang lumabas ang tatlong nurse while pulling Trolley bed. Isinakay doon si Karylle habang tumutulong naman si Vice sa paghila nito papunta sa delivery room. Nakasunod lang naman ang matanda sa kanila.

"Sir, hanggang dito lang po muna kayo." one of the nurses kaya napakunot naman ang noo ni Vice.

"Bakit hindi? Don't you have policy here na pwedeng sumama ang husbands sa loob? Paano kung kailangan ako ng asawa ko?" pakikipagtalo naman ni Vice. Tuluyan ng naipasok sa loob ng delivery room si Karylle habang naiwan naman ang isang nurse to talk to Vice.

"Dra. Gonzales isn't around po kasi so si Dr. Kurt po ang magpapaanak kay Mrs. Viceral and sorry to say this Sir, but he's not allowing anyone to come inside aside from his assistants,"

"I'll report that-

"Anak, magiging okay ang asawa mo. Kumalma ka nga," pagpapakalma ng matanda sa malapit ng magwala na si Vice. "Wala naman tayong magagawa kung 'yun ang gusto niya,"

"Pero natatakot kasi ako 'nay. Baka kailangan ako ni Karylle sa loob. Baka natatakot siya. Baka kailangan kong hawakan 'yung kamay niya para matulungan siya sa sakit. Baka maulit 'yung nangyari noon na wala ako sa tabi niya. Baka-

"Anak! Baka ikaw naman 'tong ma-coma dahil sa takot! Kumalma ka nga. Magiging okay si Karylle. Magiging okay sila ng anak mo. Magdasal ka," nangingiting sambit ng ina habang hinahagod ang likod ni Vice.

"Sorry, sir. I'll update you nalang po," hinging paumanhin ng nurse. Papasok na sana ito ng delivery room when Vice speaks.

"Miss," Vice called. Napalingon naman muli sa kaniya ang nurse. "Do everything just to make sure na magiging okay ang mag-ina ko. Please," nangingilid luhang sabi nito.

"Gagawin po namin ang lahat," the nurse answered back.

Nang tuluyan nang makapasok ang nurse sa loob ng delivery room ay wala ng ibang nagawa si Vice kundi ang maupo. Nanginginig na ang tuhod niya dahil sa takot na baka maulit ang mga nangyari noong wala siya sa tabi ng asawa to help her and to say that everything's gonna be alright. Natatakot siya na baka hindi nanaman niya makasama ng ilang taon si Karylle.

"Wag naman sana," he grumbled while burrying his face on his palms. "Jusko iligtas niyo po ang mag-ina ko,"

"Karylle is a strong woman. Makakaya niya 'yan. Makakaya nila ng anak mo," pagcocomfort ng ina sa kaniya.
















Mahigit twenty-minutes na ang lumilipas ngunit wala paring lumalabas mula sa delivery room kaya lalo namang binalot ng takot si Vice. Hindi ito matigil sa paglalakad dahil sa inip at kaba. Kaunti na nga lang ay pipilitin na niyang buksan ang room upang makita kung ano na ba ang nangyayari sa asawa. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na mula sa delivery room ang Doctor. Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya. Hindi naman mabasa ni Vice ang ibig sabihin ng tingin nito. Maya-maya pa'y...

"Congratulations. It's a baby boy," may tipid na ngiting turan ng doctor sabay abot ng kamay kay Vice for a handshake. "Your wife got unconscious after giving birth but don't worry, it's just normal. Gigising din naman siya maya-maya. For now, we'll transfer the baby sa nursery to do some tests and your wife sa room 017. One of my assistants would send you the papers na kailangan niyong i-fill out."

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon