Chapter 23

1.1M 26.1K 11.2K
                                    

Chapter 23

Ang PDA

Binaba niya ako sa labas ng Alchology. Dinig na dinig ko parin ang ingay sa loob.

Inayos ko ang sarili ko at hinarap siya. He clenched his jaw as he watched me staring daggers at him. Unti-unti kong pinigilan ang nag aalab kong galit.

"Anong problema mo?" Mariin kong tanong sa kanya.

"You're dancing again, Charity!" Sigaw niya sabay turo sa bar.

"So what?" Mas galit kong sinabi.

Oo, hindi ko nagustuhan yung pagsasayaw ko tulad ng pagkahumaling ko sa pagsasayaw ko noon. But, damn, I won't tell him that I hate it now! So what if I'm dancing? Ano iyon sa kanya? Ayaw niya kasi hindi naman iyon ginagawa ni Trisha? He's turning me into Trisha again? Hindi naba talaga siya natuto.

"So what?" Umirap siya. "Kung makaasta ka parang walang nag mamay-ari sayo, ah? You're like a lost brat!"

"For goodness sake, will you just leave me alone? Kung anong gusto kong gawin, gagawin ko. You don't have some control over me tulad ng inaakala mo. Yes, may past tayo, and that's that! We're done. I'm tired of your shit. Can't you see that?"

"Kung makabanggit ka ng past, parang ilang taon na ang nakalipas, ah? Is that it for you? Pagkatapos ng lahat, babalik ka lang sa dati. Pagkatapos nun, parang wala lang. Walang nangyari?"

Humakbang siya palapit sakin.

"I'm not owned by anyone, Jayden. I'm free-"

"No... You can't dance there, Cha. You can't just dance there like nobody owns you... Kasi the last time I checked, pag aari kita."

Halos mapudpod ang ngipin ko sa inis. Mariin kong pinaglapat ang labi ko para mapigilan ang pagmumura pero hindi ko kayang hindi magsalita.

"Oh really? The last time I checked you're not over your ex yet at tingin mo ako ay siya kaya mo ako natanggap... When in fact, you hated me from the start. And you still hate Charity. You only love Trisha, Jayden. You loved me because you see her in me!"

Pangako ko sa sarili kong wa'g maging bitter. But he's beating the shit out of me...

"You're wrong, Charity! I hated you for the wrong reasons-"

"And you loved me for all the wrong reasons, too-"

"Will you just fvcking listen?!" Ginulo niya ang buhok niya at suminghap.

Natigilan ako sa madiing pagmumura niya.

Humakbang siya sakin, napaatras ako. Nakita ko ang mga taong dumadaan na naagawan namin ng atensyon. Mabuti na lang at nasa madilim na parte kami ng parking lot at masyado ng lasing ang mga tao para mapansin pa kami.

"Oo! Nung nakilala kita may natitira parin akong pagmamahal kay Trisha! Inakala kong Trisha ang pangalan mo. BECAUSE YOU TOLD THAT GUY YOU WERE TRISHA! Ayaw ko sa asta mo... you're too westernized, you're a big brat, opposite kayong dalawa ni Trisha. Hindi kita dapat nagugustuhan, eh. Hindi kita dapat minamahal."

Napalunok ako. Is this some kind of a joke?

"Minahal? Ako ba yung kausap mo o yung Trisha'ng nakikita mo sakin?" Tumawa ako. Hindi dahil masaya ako kundi dahil nababaliw na ako.

"Mukha ba akong nakatingin kay Trisha ngayon?"

"Aba malay ko, hindi naman ako yung gumagamit ng mata mo!"

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon