MPML Book 2 (41)

3.6K 83 12
                                    

"Any question regarding to our lesson?" 2 hours and 30 minutes. Bale nakakadalawang klase na ko ngayong tanghali.

"None, Ms. Briones."

"Good, prepare one whole sheet of paper for our pop up quiz."

Naglakad ako papunta sa desk ko habang hinahanda yung lesson plan ko. Hindi mawala yung tingin ko kung san nakaupo si Marcus at Andrea, magkatabi sila at ilang araw ko nading napapansin na mas lagi silang magkasama kesa kay Ria na dapat palaging kasama ni Andrea.

"Alright, question numbe--" Naudlot yung pagpapaquiz ko ng may kumatok sa pinto.

Nakadungaw sila Ms. Paloma, Ms. Veharde, at tatlo pang lalaking instructors. Sinenyasan ako ni Ms. Paloma na lumabas ng pinto pero tinaasan ko sya ng kilay habang tinuturo yung mga estudyante ko. Kung naguusap siguro kami ganito yung sinasabi ng mga senyasan namin.

Ms. Paloma: Labas ka dali!
Ako: Ano bang meron?
Ms. Paloma: Basta labas kana!
Ako: Nakikita mo yung mga estudyante ko? Nagtuturo pa ko.
Ms. Paloma: Iwan mo muna yan! Halika dali!

Para kaming ewan na senyasan ng senyasan kaya minabuti ko nalang na lumabas para matapos na.

"Excuse me." Paalam ko sa mga estudyante ko pero kita sa mga mukha nila na masaya sila dahil naudlot yung pagpapaquiz ko.

Lumabas ako ng classroom na dala dala yung lesson plan ko.

"What is it?" Tanong ko ng sabay sabay naman silang tumindig ng maayos sa harapan ko.

"Uhh, what's going on?" Lahat silang lima nakangiti na para bang may mga kailangan sila sakin.

"Choose!" Sabi ni Ms. Paloma habang inaayos pa nya yung buhok nya.

"Choose what?"

"Mamili ka samin kung sino gusto mong maghandle kay Andrea! You know naman na malapit na yung Division Quiz Bee diba? And we all want Andrea to be our representative! As a English instructor, I want her. I really do ang galing galing nya sa klase ko and I'm so confident na maipapanalo nya ko pag sya naging representative ko please pick me! Bestfriends naman tayo Ms. Briones diba? Pretty please?"

Sa dami nyang sinabi, isang salita lang tumatak sa isip ko. 'Bestfriends?' Bestfriend kami? I don't even consider her as a friend because she always irritates me.

"Um--"

"No! Pick me, Ms. Briones. Filipino Literature is more powerful! I promise, pag ako pinili mong maging handler ni Andrea, I will make sure na hindi lang kami mananalo, mageenjoy din sya kasama ko. Let me handle her, Ms. Briones." Dagdag naman ni Mr. Lindayag na ikinataas ng kilay ko.

Mageenjoy kasama sya? Babae yung anak ko anong gusto nyang iparating?

"Filipino is what? More powerful? What more ang history lit? No, Ms. Briones pick my side. Sa totoo lang hindi na kailangan ng review ni Andrea, she can win my subject anytime." Gatong naman ni Ms. Veharde.

Umapela naman ng sabay sabay sila Ms. Paloma sa sinabi nya kaya naging maingay sila habang nagtatalo at nagpapakitang gilas sa harapan ko.

"Stop stop stop paawat kayo ok? Bakit ba ako ang tinatanong nyo e hindi naman ako ang kailangang ikumbinsi nyo." Iniling iling ko nalang yung ulo ko habang dumudungaw ako sa loob ng classroom at pinatawag sa estudyante ko si Andrea.

Maya maya lumabas na sya at sabay sabay na namang nagkulo yung limang Professors sa harapan namin.

"Mom, what's going on?" Tanong sakin ni Andrea.

"Andrea baby, will you be my representative for the incoming Division Quiz bee?" --Ms. Veharde

"No, choose my subject Andrea." --Ms. Paloma

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon