Chapter 83

327K 8K 1.3K
                                    

Chapter 83

Christan Apxfel's POV

Maaga ang pasok ko ngayon kaya naman nagmadali akong mag gayak. Paano ba naman kasi, limang beses na akong nag alarm pero wala manlang akong narinig! What the heck?!

Nagising ako dahil naramdaman kong bumangon si Abigail.

Sobrang lover boy ko ba? Konting kilos lang ni Abi ay ramdam ko na kaagad pero yung alarm wala talaga, e.

"Wife, aalis na ako ha? Text mo lang ako o tawagan pag may kailangan ka... o pag kailangan mo ako." sabi ko sabay kindat.

Ayan tuloy, nasapul nanaman ako ng unan... sa mukha.

Tumawa naman si Abigail.

At ang sarap sarap pakinggan 'nun. Kahit siguro batuhin niya ako ng isang daang beses ay okay lang. Basta lagi kong maririnig itong tawa niya.

"Ingat ka ha?" sabi niya.

I nodded and gave her a kiss.

Palabas na ako pero umisang lingon pa ako kay Abigail. I saw her clutched her chest kaya naman lumapit agad ako sa kanya.

"Okay ka lang? May masakit ba?" I worriedly asked.

Umiling naman siya.

"I just need to drink my morning meds. 7:30 na rin kasi." sagot nito.

"Okay, wait. I'll get your medicines." I said but she stopped me by grabbing my arm.

"Late ka na sa school. Okay lang ako, paki tawag na lang si Manang."

"Sige. Mamaya nandito na rin ako. Wait for me, okay?" sabi ko.

"Okay." she answered.

Nagpaalam na ako kay Abigail. Bago ako umalis ng bahay ay tinawag ko muna si Manang para tulungan si Abi na uminom ng gamot.

"Shit." I cussed.

Nalimutan kong magpa-gas kahapon!

Naglakad na lang ako papunta sa kanto ng subdivision. I'll just take a cab.

Nakarating agad ako sa Chandford dahil pinamaneho ko ng mabilis si Manong driver. Sabi ko ay dodoblehin ko na lang ang bayad sa kanya.

I-tetext ko nga sana si Abigail, pero sobrang malas dahil lowbat pa ang phone ko.

Nice, Christan. Nice.

Pagdating ko sa room, buti na lang at wala pa itong prof namin.

"Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ko kay Bobbie.

Pagkakita ko kasi sa kanya ay mukha siyang pinagbaksakan ng langit at lupa.

"Ang sakit kasi." sani niya.

"Ng?" takang tanong ko naman.

"Ha? Ummm wala... Kasi ano.. 'yung boyfriend ko. Ano, nag away kami." she said.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon