23

44.3K 868 35
                                    






Chapter 23




Natigilan ako sa itinanong saakin ni Stan.




"Haha! Okay lang Abhie, hindi mo naman kailangang sagutin yon. Ang importante nasabi ko sayo." Mapait na sabi niya.




Hindi nalang ako umimik, bakit ganon naiilang ako kay Stan kapag siya ang nagsasalita kapag tungkol sa mga 'gusto'.




Inihatid na niya ako sa bahay.



"Salamat Stan." Nakangiting sabi ko sakanya.




"Wala yon. Sana next time ulit." Aniya, tumango nalang ako bilang sagot. Papasok na sana ako sa loob ng bahay namin pero hinawakan niya ang kamay ko at halos mag init ang mukha ko ng halikan niya ang pisngi ko.




"Sweet dreams my Abhie.." Bulong niya.




Tumalikod na ako at tumakbo papasok sa loob ng bahay! Nagkulong ako sa kwarto at nagtalukbong ng kumot ko.




Dahan dahan kong hinawakan ang pisngi ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil parang kinakabahan ako.




••Sweet dreams my Abhie..••



Nag e-echo sa utak ko ang malambing na boses ni Stan.




"No..ano ka ba Abhie, bakit pumapayag kang halikan ng kung sino." Bulong ko sa sarili ko, pero hindi naman ako pumayag, masyadong mabilis lang ang pangyayari.




Kinabukasan sa school, maaga akong pumasok, wala pa masyadong tao pero napangiti ako ng makita ko si Shane na nakaupo sa may bench katapat ng classroom namin.




Umupo ako sa tabi niya.




"Ang aga mo ngayon ah." Sabi ko sakanya. Pero hindi siya umimik, tinignan ko siya, nakapikit lang siya habang nakatungo sa pagkakaupo.




"Shane.." Tawag ko sakanya, nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko ng sobrang higpit.




"5 minutes Abhie.." Bulong niya, tumango tango nalang ako habang hawak hawak niya ang kamay ko.




Sobrang lalim ng paghinga niya..




Maya maya lang iminulat na niya ang mata niya at tumingin siya saakin.




"Hindi ka nagtext kagabi." Bungad niya, napalunok ako. Nakatulog na kasi ako kagabi kaiisip sa ginawa ni Stan.




"Ah..wala kasi akong load." Pagsisinungaling ko, pero ang totoo niyan hanggang ngayon hindi ko pa rin nache-check yung phone ko.




"Ganun ba." Matipid na sagot niya, tumango ako. Hinawakan ko ang noo niya para tignan kung may lagnat pa siya.




"Magaling ka na.." Bulong ko, tumango nalang siya.




Maya maya lang dumating na si Elle, nagkatinginan silang dalawa ni Shane.. Tinanguan naman siya nito.




"Sandali lang Abhie." Seryosong paalam niya saakin.




Sinundan ko sila ng tingin ng maglakad sila palayo saakin, hindi ko alam pero nakaramdam kasi ako ng selos ng makita kong naglalakad sila ng palayo, para bang may importanteng bagay silang pag uusapan na hindi ko pwedeng malaman.



____



Nagsimula na ang klase namin, katabi ko na rin si Shane. Hindi ako mapakali kung ano bang pinag usapan nila ni Elle, haaay Abhie napakachismosa mo.




"May problema ka ba?" Tanong ko sakanya, napatingin siya saakin at umiling.




"Wala naman." Matipid na sagot niya




Tumango nalang ako, binuksan ko ang bag ko at natigilan ako ng makita ko ang cellphone ko. Binuksan ko yon at nanlaki ang mata ko ng makita kong may limang missed calls at 28 messages. Binuksan ko yon at lahat ng yon galing kay Shane. Binasa ko ang huling text niya saakin.




Shane: Hihintayin kita sa park.




Tinignan ko siya, nakatuon lang ang mga mata niya sa harapan. Hinanap ko yung unang message niya.




Shane: Abhie..




Binuksan ko na rin yung ibang message niya.



Shane: Busy ka ba? Gusto kitang yakapin ngayon.



Natigilan ako at pinatay ko na ang cellphone ko..




"Naghintay ka ba sa park?" Untag ko sakanya, lumingon siya saakin at tumango.




"Pero hindi ka dumating." Seryosong bulong niya.




May problema siya..nararamdaman ko. Walang pumapasok sa isip ko habang magkaklase kami, tahimik pati sa buong klase dahil mainit ang ulo ng Prof namin.




Pagkatapos ng 1st subject namin lahat kami pinapapunta na sa computer lab. Hinintay kong umalis lahat ng mga kaklase namin, nag aayos pa kasi ng gamit si Shane, masyado siyang malinis sa gamit. Maya maya lang tumayo na rin siya, kaya naman tumayo na rin ako at hinarap ko siya!




Nakatingin lang siya saakin. Niyakap ko siya ng sobrang higpit!




"Sorry kung hindi kita napuntahan kagabi. Hayaan mo next time lagi ko ng titignan ang cellphone ko." Nakasubsob ang ulo ko sa dibdib niya, naramdaman kong itinaas niya ang dalawang kamay niya para tanggapin ang yakap ko, kaya naman mas lalong humigpit ang yakap ko sakanya.




"Okay na ako.. Niyakap mo na ako eh." Natatawang bulong niya, dahan dahan akong humiwalay sakanya, medyo nag iinit yung mukha ko dahil sa sinabi niya.




"Shane naman!!" Sigaw ko sakanya.




"Ang pula mo nanaman. Tara na, punta na tayo sa comp. lab." Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.




Naglakad kaming dalawa na hindi binibitawan ang kamay ng isa't isa. Sobrang higpit ng hawak niya saakin.




Pagpasok namin sa comp. lab nagsigawan yung mga kaklase namin dahil hindi pa rin binibitawan ni Shane ang kamay ko kahit na hinihila ko sakanya ito palayo!




"Wooahh! Sabi ko na nga ba kaya nagpahuli yung dalawa!" Sigaw ng isang kaklase namin.




Napatingin naman ako kay Stan, iniwas niya ang tingin saakin at nagpatuloy na sa pagcocomputer.. Ano ba nangyayari saakin bakit parang masyado na akong nagiging malapit sakanilang dalawa ni Shane.




Hinila ako ni Shane para tabi pa rin kaming maupo. Binuksan ko na yung PC sa harap ko.




"May meeting daw sila Sir! Pwede tayong mag internet!" Sigaw ng mga kaklase ko. Kaya naman kanya kanya silang online sa facebook!




Ako naman naisipan kong magwattpad nalang, tinignan ko kung may update na yung story na inaabangan ko. Napanguso ako ng wala pa, kaya naman naghanap nalang ako ng one shot na pwedeng basahin!




"Comfort Zone.." Hinampas ko ang bibig ko dahil sa pagbabasa ko ng malakas sa title nung one shot, binuksan ko yon dahil maraming nagcomment.




---- Mahirap maging comfort zone ng taong gusto mo. Hindi mo maiwasang mag assume na baka gusto ka rin niya. Kapag malungkot siya, malungkot ka rin kaya naman gagawa ka ng paraan para mapasaya siya. Pero paano kung isang araw yung mga ginagawa mo para sakanya yun din pala ang magiging dahilan para masaktan ka?




Kaagad ko kinolose yung wattpad kahit na hindi ko pa natatapos basahin yung comfort zone, para kasing may kung anong kumikirot sa loob ng dibdib ko habang binabasa ko yon.



Bakit natatamaan ako?




"Okay ka lang?" Napapitlag ako ng magsalita si Shane sa tabi ko, tinignan ko siya at tumango ako.




Sinilip ko kung ano ang ginagawa niya sa pc, nag init nanaman yung mukha ko kasi tinitignan nanaman niya yung pictures ko sa facebook.




"Bakit mo ba tinitignan yang mga yan!" Sigaw ko sakanya! Kasi naman nakakahiya kaya kapag siya yung tumitingin.




Pero tinawanan niya lang ako.



"Shane! Matanong ko lang gusto mo ba si Abhie?!" Biglang sigaw ni Jamae classmate namin.




"Yiiiieee.." Sabay sabay na sigaw ng classmates ko.



Narinig kong ngumisi si Shane.




"Tinatanong pa ba yan." Sagot ni Shane sakanya dahilan para mas lalo kaming ulanin ng tukso ng mga kaklase namin!



"Namumula si Abhie!!" Sigaw ni Ivan!




"Hoy--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang umentra si Shane.




"Yun nga ang isa sa gusto ko sakanya eh, ang pamumula ng mukha niya." Kampanteng sabi ni Shane, hinampas ko ang braso niya!!




"Hanep! Bakit kay Elle hindi ka showy!" Sigaw ng mga kaklase ko.




"Hoy! H'wag niyo akong isali sa usapan niyo noh! Masaya ako sa buhay ko ngayon!" Natatawang sigaw ni Elle sakanila.




"Hahaha! Hindi ka ba nagseselos ha Elle?!" Biglang tanong sakanya.




Natigilan ako sa isinagot ni Elle.




"Hindi noh! Saka isa pa at least dalawa na kaming comfort zone ni Abhie kay Shane!"


****


Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon