Chapter 12 -- Hide And Seek

5.8K 83 2
                                    


Dahil miss na miss na ni Natalie si Ervic, bumisita siya sa bahay ng mga ito na may dalang pasalubong para kay Nicko.



Nanonood naman ng tv sa sala ang tatlo at may merienda pa sila.




"Hello, everyone." Bungad na bati ni Natalie.



"Tita, Natalie." Sinalubong ni Nicko si Natalie ng yakap.



"Napadalaw ka? Ikaw lang mag-isa? Si Martee?" Usisa ni Carlyn.



"May trabaho pa kasi si Martee at ako naman walang masyadong trabaho sa shop kaya naisipan kong bumisita dito. Nagdala ako ng pizza." Sabay taas sa box ng pizza. "At isa pa, na mi-miss ko na kasi itong si Nicko eh." Tumingin siya kay Ervic at nakangiti lang ito. Inilapag naman niya ang dala niyang pizza sa mesa.




"Gagawa lang ako ng juice." Sabi ni Ervic.



"Hon, ako na, kwentuhan mo na muna si Natalie. "



"Mama, sama." Sabi naman ni Nicko. At pumunta na silang mag-ina sa kusina.



Nagtinginan naman sina Ervic at Natalie pag-alis ng dalawa.



"Bakit hindi ka man lang nagpasabing pupunta ka?"



"Bakit? Ayaw mo ba'kong nandito?" Tampong sabi niya.



"Alam mo namang nandito si Carlyn."




"Wala ka kasi sa shop kaya gusto kitang makita at isa pa na mi-miss na kita." Lambing niya kay Ervic.



"O akala ko ba si Nicko ang na mi-miss mo?"



"Nagatmpo ka naman agad. Syempre mas na miss kita no?"



Para silang mga teenager kung mag-usap at maglambingan. Akala mo naman sila lang dalawa ang tao sa bahay. Knowing na nando'n ang asawa ni Ervic. Hinalikan ni Ervic sa noo si Natalie, hindi nila namalayang nando'n na pala si Nicko at nakatingin siya sa kanilang dalawa.



"Papa bakit mo hinalikan si Tita Natalie?" Tanong ng bata.



"Nicko, secret lang natin yun ha? Wala kang pagsasabihan kahit sa Mama mo." Utos ni Natalie sa bata.


"Bakit po?"



"Kasi bata ka pa kaya hindi mo maiintindihan."




Nang dumating na rin si Carlyn na may dalang juice at kinain din nila ang dalang Pizza ni Natalie.



Naglalaro ng bola si Nicko nang hindi niya sinasadyang tamaan yung basong may juice sa tabi ni Natalie at natapon yung juice sa dress nito.



"Nicko kasi hindi nag-iingat." Sabi ni Ervic sa anak.



"Sorry, Tita." Paumanhin ni Nicko.



"Okay lang, magpapalit na lang ako sa bahay."


"Kung gusto mo, pahihiramin na lang kita ng damit." Prisinta ni Carlyn.



"Naku! Ate, huwag na."



"Tara na, huwag ka ng mahiya." Hinawakan niya ang kamay ni Natalie at isinama sa kwarto nilang mag asawa. Agad namang kumuha na damit si Carlyn na ipampapalit ni Natalie.



"Pagpasensyahan mo na 'tong damit ko huh?" Binigay niya kay Natalie. "Lumabas ka na lang pagkatapos mo."



Tumango naman si Natalie atsaka na lumabas ng kwarto si Carlyn. Magpapalit na sana si Natalie nang makita niya ulit yung picture frame ng mag-asawa sa side table. Kinuha niya ito at pinagmasdan.




The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon