6: Rules

21.7K 382 11
                                    

In this relationship I'm the Boss and as my underling you must follow my 'Rules'...
- jhiro

Chiyo: Ano ka gangster?! Tss.

💟💟💟

Chiyo...ano ba itong pinasok mo!?

Bulyaw ko sa sarili habang nakatanaw sa Malaking building ng FLS company.

Oo, Totoong desperado na akong gawin ang lahat para magkapera. Pero...

Tama ba itong' gagawin ko?

Hindi ko rin alam...

Natatakot ako.

Pero. Kailangan.

Isang mahabang buntong hininga ang aking pinakawalan. Dahil kahit nakalabas na ako sa opisina ng taong iyon dama ko pa rin ang panginginig ng mga tuhod ko.

Nanatili lamang akong nakatayo doon ng mapansin kong nakaka agaw na ako ng attention sa mga lumalabas at pumapasok sa kumpanyang iyon.

Like duh- I'm so out of place! Suot ko pa rin kasi ang aking uniporme sa bar na isang plain white shirt at black jeans tinernohan ng nag iisa kong worn out sneakers at kapag sinabi kong 'worn out' literal na luma na ito. Naka pusod ang mahaba at alunan kong buhok na abot hanggang baiwang, mas komportable kasi akong makakapag trabaho pag ganoon.

Simple man at normal sa mata ng iba. Ngunit sa harap ng the great mighty FLS company na may 1,267 branches around the globe. ( exaggerated ) malamang out of place ang Lola niyo!

Pinagmasdan kong maigi ang mga taong nagtatapon ng tingin saakin lahat sila ay naka postura, mga branded na damit at alahas ang suot ngunit bakas ang panghuhusga sa kanilang mga mata,na bakit ang isang katulad ko ay nasa lugar na iyon. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi.

Tsk. Oo Alam kong hindi ako nababagay sa lugar na ito!

Kaya manong guard na kanina pa masama ang tingin saakin, chill ka lang. wala akong dalang bomba!

Makatitig wagas? Hindi niyo ba alam? Ako ang future wife ng boss nyo?!

None other than Jhiro Mijares! At pag kinasal na kami " hu u" kayong lahat!

*flip hair*

Syempre sa utak ko lamang iyon. Hindi ako ganoon kaimportante sa the great Jhiro Mijares para ipakilala niya bilang asawa NIYA...masakit mang aminin pero iyon ang kapalaran ko.

Akmang tatalikod na ako ng may biglang naalala....

WALA.AKONG.PAMASAHE!!!!!!

Sa dinami dami ng salapi ng damuhong iyon nakalimutan niya akong bigyan ng pamasahe!

Napasabunot ako sa aking buhok. Paano ako uuwi? Maglalakad?! Hindi kaya ng powers kong lakarin ang 1hr na byahe pauwi! Pero kung babalik naman ako sa loob para humingi ng pera lalabas naman akong kaawa awa.

Wait. Oo nga. Nakaka awa naman talaga ang sitwasyon ko.

Bagsak ang balikat habang pahakbang na ako pauwi. Nang may biglang humawak sa balikat ko.

He's MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon