9: I'm her husband

19K 340 6
                                    

💟💟💟

Manalili Residence

Sunod sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatayo sa labas ng bahay namin. Kinakabahan ako at natatakot. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Itay at sa mga kapatid ko ang balak ko.

Bahala na si Batman! Tandaan mo Chiyo no choice kana! Like duh-?Mr. Mijares ang Future husband mo! Aarte pa?

Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng lumang bahay namin ng kusang bumukas iyon at iniluwa ang kapatid kong si Chris.

" ate! Kanina kapa namin hinihintay! " Bungad nito na halata ang panick sa mukha. Bigla naman akong kinabahan at dali-daling pumasok ng bahay at hinanap si Itay.

Ngunit pag pasok ko ay tanging kadiliman lamang ang bumungad saakin.

" Itay! nasaan si Itay!? " Sigaw ko habang pilit na pinipigilan ang luha ko. Diyos ko huwag naman sana.

Ngunit nagulat ako ng lumabas galing kusina ang isang liwanag. Nang pagmasdan ko iyong mabuti, nakita ko na si Itay iyon na may hawak na kandila.

" Itay! " Napatakbo ako sa harapan niya habang takang nakatingin lamang siya sakin'

" Ano bang nangyayari dito? Itay--- Minumulto niyo ba kami?? Diyos ko! "
Nang sinabi ko iyon ay nakita ko namang napakamot ng ulo si Chris na ngayon ay nasa tabi na ni Itay.

" Ate, NAPUTULAN TAYO NG KUREYENTE! " Sambit niya habang kinukuha ang kandila kay Itay.

" Maka Itay ka naman diyan Ate wagas " dagdag pa nito.

Napakamot din ako ng ulo.

" Eh, masisi mo ba ako? nag aalala lang. "

Ano ba namang araw toh'!

Naglakad ako sa kusina at nakasalubong si Chandra.

" 3 months na kasi tayong Hindi nakakabayad ate kaya pinutulan na nila tayo ng kureyente. " Sabi niya habang kumakain sa madilim na kusina.

Napakunot ang noo ko hindi ko alam kung maaawa ako sa hitsura ni Chandra o matatawa. Hawak niya kasi yung plato niya habang kumakain dahil madilim tapos subo lang siya ng subo.

" Ako na ang bahala, gagawa ako ng paraan. " sabi ko na lamang at dumeretso na ng kusina para uminom ng tubig.

Ngunit pag pihit ko ng poset ay wala kahit isang patak na tubig ang lumabas.

" Naputulan din pala tayo ng Tubig ate. " Ani ni Chandra at sumubo na naman ng kanin. Nagtataka talaga ako sa araw na ito, dahil lahat na ata ng kamalasang mararanasan ko sa isang buong taon ay nagamit ko na sa isang buong araw.

Bagsak ang balikat na lumabas ako ng kusina. At hinarap si itay at Chris nasa likod ko naman si Chandra na abala sa paglamon ng kanin kahit madilim.

" Itay, Chris, Chandra... May sasabihin ako. " I said. Seryos ang tono ko kaya naman napatitig si Itay saakin pati na run si Chris. Ngunit dahil sadyang patay gutom talaga ang kapatid kong si Chandra nagpatuloy lamang ito sa pag kain.

" Ikakasal na po ako "

Puuuuuuhh!!!

*pagbuga ni Chandra ng kanin sa likod ko*

" ANO!!!? "

sabay sabay nilang sigaw.

" Hala ate totoo ba yan?! Or joke? "

Sabat ni Chandra habang pinapagpag ang kanin na dumikit sa likod at buhok ko.

" Anak totoo ba ang sinasabi mo? " naguguluhang tanong ni Itay.

He's MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon