Chapter 2: Xander University

7.7K 247 17
                                    






~*~







(Cashmere's POV)




Pagkatapos kong maghain para sa KANILA. Tumakbo na ako papuntang labahan, di ako maglalaba, dito ang kwarto ko, natutulog, nagbibihis, at natutulog ulit, basta kwarto ko, tapos. Ang saya nga eh. Ang lamig, open na open. Hahahahaha.



Tinignan ko ang aking orasan. Kailangan ko kasing pumasok ng maaga.



Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Oh shems! 7:05am na. Halu jusmiyo! Alas otso pasok ko. Maglalakad pa naman ako kase wala naman akong pera. Pulubi ako yeah, pake nyo ba? Di pa ako nakakapag-apply, eh sa natapos na kasi ang kontrata ko sa last job ko kaya nganga. Makahanap nga ng part time job.


Tumakbo na ako palabas ng bahay para mag igib ng tubig.



"HOY CASHMERE! PUNUIN MO NGA TONG DRUM DITO! MALILIGO NA AKO! BILISAN MO HA!"



Syete! Sumabay pa si ate Gael! Naman oh. Ano pa nga bang magagawa ko?



Pinuno ko na yung drum at naglagay na rin ako sa maliit na timba ng tubig pangligo ko. Ako na kaya mauna? Tutal mabilis rin naman ako eh. Bago pa ako makapasok ng tuluyan ay itinulak na ako ni ate Gael dahilan para mapahiga ako sa maputik na daanan.



Hindi ako umimik. At mas lalong hindi rin ako umiyak. Para saan pa ba? Sawa na ako.




"SINO MAY SABING IKAW MUNA? HOY PABIGAT, PRINSESA ANG MAUUNA BAGO ALIPIN! LAYAS!" Singhal nya sa akin sabay tadyak sa aking sikmura.


Napahawak na lamang ako sa tyan ko at hinimas ito. Masakit aaminin ko, pero para saan pa nga ba ang pagsasalita kung uulitin lang din naman nya sayo yun para manahimik ka? Tss. Oo na nga eh, oo na.



Natigilan ako nang may maalala. "Sh*t! Late na ako!"



Tumayo na ako at tumakbo papunta sa pozo saka ako naligo, di ko alintaya ang lamig at mga nanonood sa akin na mga dumadaan. Tss. Wala namang masisilip sakin. Pashnea.



Nagbihis at pumunta na ako ng kusina at dahan dahang binuksan ang kaldero ng kanin. Matod na kung matod, gutom ako!



Oh yes! Meron pa! Kumuha na ako ng plastic saka ako dumakma ng kanin at kumuha na rin ng asukal. Binilog bilog ko yung kanin sa loob kasama yung asukal saka ko sinubo.



"Hay. Oks na rin." Bulong ko sa aking sarili at bahagyang hinimas ang aking tyan.



Napatingin ako sa orasan. At muling nanlaki ang mga mata. 7:50am na! Tumakbo na ako papasok ng school! Bahala na si batman!








**







Mabilow bilis din akong nakarating sa eskwelahan. Haggard!


Tumakbo agad ako sa classroom ko baka andun na kasi si Ma'am, mainit pa naman dugo nun sakin. Jusmiyo!


Pinagtitinginan ako ng lahat ng madadaanan ko pero wapakels, malapit na akong malate!



Napahinga ako ng maluwag nang makitang wala pang teacher sa classroom.




"Okay ka lang?" Salubong na tanong sa akin ni Jane.


"O-Oo naman. Woooooh! Kapagod te!" Hingal na sagot ko sa kanya.


"Maupo ka muna. Oh tubig." Tiningnan ko naman yung hawak nya na bottle ng tubig at tumingin ulit ako sa may hawak nito na si Andrew. Nagda-doubt akong kunin.


Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon