Chapter 3: Part time Job

6.6K 207 33
                                    






~*~







(Cashmere's POV)









"Ayoko na!" Pabebeng iyak ni Jane.





"Ewws. Pabobo to takte. Dapat di ka na lang sumama eh. Date na sana namin to ni Cash." Naiinis na sabi ni Andrew.


Na di ko nga lang narinig yung dulo.



"Ulul moto! Eeeeeeeeeee naman kase!" Pagmamaktol pa ni Jane kaya minabuti muna naming umupo sa tabi ng kalsada.



"Ugh! Tumahimik ka nga muna please! Kaya di dumadating ang biyaya!" PagpaPatigil ni Andrew kay Jane na halos magpagulong gulong na sa gitna ng kalsada.



Natatawa na lamang ako sa kaingayan nila. Ang cute lang kasi. Nagpalinga linga muna ako saglit at nagbabasakaling may makitang sign nang mapako ang tingin ko sa isang poste ng meralco.


"Hey guys teka lang ah." Pagpapaalam ko sa kanila na hindi naman nila pinansin at nagpatuloy lamang sa pagtatalo.


Aba aba, wala man lang nag effort na tignan ako. Tss. Tumayo na lamang ako at pumunta sa poste na yun.


Laking gulat ko sa nakita. Totoo ba talaga to? Ilang beses ko pang kinusot ang aking mga mata at kulang na lamang ay humapdi na ito. Oh gad!


"Waaaaaaaah! Eto na JOSEPH ANDREW! Ayan na ang biyaya para kay CASHMERE!" Tili ni Jane na ikinagulat ko.


Jusko! Napasapo na lamang ako sa dibdib ko na hindi flat kagaya mo, buti na lamang at wala akong sakit sa puso nako! Argh! Talagang dinaig nito pinsan ko eh!


"Oo nga." Nagniningning ang mga matang pagsang-ayon ni Andrew na sumulpot na lamang sa kung saan.


Isa pa to eh. Sigh.


Kinuha ko na lang yung poster. Siguro pupuntahan ko na lang bukas nang masigurado at hindi sila kasama para walang kabalastugan.


"Tara na, uwi na tayo. Lagot na naman ako sa Lola ko nito eh." Pag-aaya ko sa kanila.



"Pano yan?" Tanong ni Andrew habang nakanguso sa hawak kong poster.


"Asan utak mo Drew? Malamang sa alamang, bukas na nya yan pupuntahan no." Mataray na sabi ni Jane sa kanya.


Buti pa to may commonsense. Haha.


"Nasa ulo ko."



"Parang walang utak."



"May utak na di hamak na mas malaki pa kaysa sayo! Oy Cash, ano yun.......ganon ganon na lang? Pagkatapos ng hirap natin mag-ikot ikot, ganun na lang talaga?!" Pagmamaktol ni Andrew.




"Oo." Walang gana kong sagot.

"Aww! Ang daya." Singit ni Jane sabay pout.


"Wag ka ngang magpout! Ang haba ng nguso mo, baka mamaya makatusok ka pa eh!" Sabay pose pa ng pangkarate ni Andrew.


Napabuntong hininga na lamang ako. Lahat na lamang ba may maidadagdag silang kamaisan?


"Kapal mo ah!" Reklamo ni Jane.


Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon