Chapter four

176K 4.7K 309
                                    


"AHAHAHA!!" Malakas na tawa ang kumawala mula kay Tesmarie sa kabilang linya pagkatapos niyang ikuwento sa kaibigan ang panlalait sa kanya ni Rostov kagabi.

"Hay naku, Red. Alam mo maganda ka na naman at sexy. Iyon nga lang ay talagang mas pak na pak ang alindog ni Ayanna dahil sa fashion style niya."

"Buwesit na 'yon! Hindi raw siya tinigisan sa 'kin. Wala ba akong sex appeal?"

Hindi talaga siya natutunawan sa sinabi ni Rostov. Isang malaking sampal iyon para sa pagkababae niya. Kahit naman siguro sinong babae ay hindi nanaisin ang masabihan ng gan'on.

Kahit paano ay may mga nanliligaw sa kanya at hindi basta-basta ang iba niyang manliligaw. Ang isa pa nga ay anak ng mayor sa probinsiya nila sa Isabela. Pero kahit isa sa mga iyon ay wala siyang pinagbigyan. Hindi pa siya handang makipagrelasyon uli. Kailangan niyang pagtuon nang pansin ang negosyo nila at ang kanyang pamilya. Gusto niyang mapagtapos ang mga kapatid niya kaya nga nagsisikap talaga siya nang husto para sa pamilya niya. Gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang. Kaya nga siya pumayag sa kalokohan na ito dahil sa oras na mawala ang negosyo nila ay hindi na niya mabibigyan ng katuparan ang pangarap niya para sa kanyang pamilya.

"Haist! Nakakainis talaga siya. Tingin mo kaya kapag naglakad-lakad ako sa harap niya na sexy ang suot ko makakaramdam kaya siya ng arousal?"

"Why don't you try for you to find out?"

"Wala akong mga sexy na damit eh."

"Ako'ng bahala diyan. Kailangan na ipakita mo sa lalaking 'yan kung sino ang totoong diyosa sainyo ni Ayanna. Eh mukhang retokada naman iyon eh."

Pagkatapos nilang mag-usap ni Tesmarie ay lumabas siya ng silid.

"Red hija, nasaan ba si Rostov?" tanong ni Doña Conching nang makita niya ito sa sala.

"Hindi ko po alam, Lola."

"Ang batang 'yan talaga. Pagpasensiyahan mo na siya, hija." Nginitian lang niya ito. Naglakad sila patungo sa patio.

"Hija, may ipapakiusap sana ako sa 'yo." Ani matanda nang nasa patio na sila. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay.

"Hija, sana mahalin mo ang apo ko. Gusto kita para sa kanya. He really needs someone like you. Gusto kong kapag nilisan ko ang mundong 'to ay nasa maayos na kalagayan si Rostov. I want him to be happy. Hindi masaya ang naging kabataan niya. Sa edad niyang bente nuebe ngayon ko lang nakita ang ningning sa mga mata niya at alam kong dahil 'yon sa 'yo."

Umaasa ang matanda na may pagmamahal sa pagitan nila ni Rostov. And she felt kinda guilty about it! Magaling lang sigurong umarte si Rostov kaya napapakita nito ang ningning sa mga mata nito. Eh halos lumiyab nga sa apoy ang mata nito kagabi sa sobrang galit sa kanya. Pero inaamin niyang may mali siya. I-compare ba naman niya kay Rogue at binanggit pa niya ang nanay nitong nang-iwan dito. Pero kinumpara rin naman siya nito kay Ayanna kaya quits lang sila. Ang bastos pa nito para sabihing hindi siya seductive.

"'Wag po kayong mag-alala, lola. Rostov will be fine."

"Just promise me na hindi mo siya iiwan." Lola, kung alam mo lang na hindi kami mag-asawa.

"Opo," mahina niyang tugon. Malawak ang ngiti ng matanda at mahigpit siyang niyakap.

"Salamat, hija." Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Gusto mo bang mamasyal? O kaya mag-swimming ka, papasamahan kita kay Dara. Nasabi na ba sa 'yo ni Rostov na may resort kami?"

"Talaga po?"

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon