Chapter 16

627K 16.1K 4.8K
                                    

Chapter 16


Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita sa sinabi ng mommy ni Nero. Ilang beses nang napapasagi sa amin ni Ashong ang usapang kasal pero sa paraang biro.

We never talked about this in serious manner.


"Wala pa po kaming pinag uusapan tungkol dyan" si Ashong na ang sumagot. Alam na alam niya talaga kung kailan hindi ko kayang magsalita. Not with this thing.


"Dapat ay pinag uusapan niyo na ang mga bagay na 'yan. Nasa mga tamang edad na naman kayo" nahihimigan ko ang pagkawili ng mom ni Nero sa usapan.

Sinusubukan niya talaga ako. She's playing with me.


"Bakit nga ba hindi nyo pinag uusapan ang bagay na 'yan? Gusto ko na rin mag alaga ng mga apo" natutuwang sabi ng mama ni Ashong na halos ikinasamid ko.


"Ma, wag mong binibigla si Florence.." saway sa kanya ni Ashong.

Sa sulok ng aking mata ay kita ko ang straight na pag inom ni Nero Ferell ng tubig. Magtimpi ka Nero Ferell sa usapang ito, parehas tayo ng sitwasyon.

Ngumisi lang sa amin ang inosenteng mama ni Ashong. Kung alam lang niya na ang tensyon sa gitna ng mga taong nakapalibot sa lamesang ito. Kung alam lang niya kung papaano magbatuhan ng titig si Nero at Ashong. Kung alam lang niya kung paano ako patayin sa kanikanilang mga isip ng mga babaeng matatamis na nakangiti ngayon.

Alam kong sa gitna ng bawat matatamis na ngiti ng dalawang eleganteng babae sa harapan ko, kapalit nito ay ilang daang sumpa na kung maaaring makapatay ay malamang nawalan na ako ng malay. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang akong masasamid ng walang dahilan.

I can read them through their eyes. The hatred, rage, animosity and even disgust. How I hate two faced people. I'm not dumb to accept their 'genuine smile'. They can't fool me with their hundreds of mask and sweet smiles.

Hindi ako dumanas sa isang nakaraan para hindi matutong lumaro sa mga ganitong bagay.


In my 24 years of existence, I've learned something.


Smile.


Smile is the most venomous thing. A simple smile can make someone suffer. Smile that hid thousands of emotions. And seeing the smile of these two faced elegant women, I know I need to prepare myself.


Hindi ako maaaring maging kampante. Alam kong anumang oras ay maaaring kumilos sila mula sa likuran ko..

I raised my head and gave them my brightest smile. I'm not the old Florence anymore, not the fragile Florence na pwedeng ipagtaboy tabuyan lang.

Biglang nagsalita si Cassidy.


"Ikaw ba Nero? Ilan ang gusto mong babies? I can give you kahit ilan" natatawang sabi ni Cassidy may paghilig pa siya sa balikat ni Nero.

Gusto kong masuka sa nakikita ko nang makita kong halos idikit na ni Cassidy ang sarili niya kay Nero. At malandi niyang hinaplos ang malapad na dibdib ni Nero. Kitang kita ko ang bahagyang pagsulyap sa akin ni Cassidy.

Florence, calm down. He's willing to dump that woman just breath a word, you can snatch him with just a single snap. But ofcourse, I know my situation. I won't do it, I need to settle things first.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon