Chapter 37 [Let you go]

19.3K 303 66
                                    

Chapter 37

[Let you go]

 

< Sophia's POV >

"Nope. Hindi alam ni Enzo, except that part sa hospital kasi nandun siya. And besides, kelan lang namin nalaman ni Mico. Ang tagal bago namin napilit si Justin na magsalita." Tumingin si James sa taas. "At bakit hindi ko sinabi sa'yo? Pia.. ayaw mong makinig. Ayaw mong makarinig ng kahit anong tungkol kay Justin, di ba?" 

"Kaya ba.. the past few weeks, pinaglalapit mo ulit kami ni Justin? Because you think we should end up together?" Nagsimula akong pitas pitasin yung mga dahon nung mga halaman sa may terrace.

"Nope. Pinaglalapit ko kayo para mabigyan mo siya ng chance na magpaliwanag. Then you decide kung sino talaga yung mahal mo. Huy, wag mong awayin halaman. Inosente yan." 

I sighed tapos umupo na rin ako sa tabi ni James sa sofa. Tahimik lang kami for a while, pareho kaming nakatitig sa kawalan.

"Pia.."

"Oh?"

"Eto oh?" Tapos tinaas niya yung laylayan ng T-shirt niya at nilapit yun sakin. 

"What are you doing? Bakit ka naghuhubad diyan?" 

"Hindi ako naghuhubad." Inirapan ako ni James tapos pinitik sa noo. "Gusto mo bang umiyak? Pagkatapos ng mga nalaman mo.. you're upset, right? Kaya ayan.. Iyak ka na sa damit ko. Sensya naman, wala akong dalang panyo. Uhh, wag ka lang masyadong suminga ah, favorite ko yung tshirt na 'to eh." Tapos nilapit pa niya yung laylayan ng damit niya sakin. 

"James.. ibaba mo nga yung damit mo. Hindi ako iiyak, okay?" 

"Eh---"

"Ibaba mo na yang tshirt moooo." Tapos hinatak ko na pababa yung tshirt niya. Baliw eh, may makakita pa samin, kung ano pa yung isipin. "Hindi ako iiyak. What's there to cry about?"  

Bumuntong hininga si James. "Pusong bato talaga." 

Sinuntok ko siya ng mahina sa braso. "Tigilan mo nga yung kaka-pusong bato mo!" 

Tumawa si James. "Bakit? Totoo naman! Oy, oy, oy! Wag mo na kong suntukin ulit!" Binaba ko yung kamay kong susuntok sana sa kanya. "Ibig kong sabihin.. hindi ba't yun naman yung pinakapinagbago sa nakalipas na limang taon? You never let yourself be attached too much or to care too much or to love too much.. para hindi ka masaktan ng sobra. You never cry. You never get too angry. You don't let anyone touch your heart. Stone heart." 

"I'm not---"

"Kelan ka huling umiyak, Pia? Dahil sa malungkot ka or galit or masaya, sa kahit anong dahilan?" Tinignan ako ng seryoso ni James kaya napaiwas ako ng tingin.

Taming The Bad Boy [Complete] *REVISING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon