Chapter 41

2.1M 86.6K 90.8K
                                    

Chapter 41: Bloody Punishment

Vanessa's Point of View

Narito kaming lahat sa gymanasium, hindi lang ang mga nasa cafeteria kanina kundi ang buong estudyante ng HU at SSG Council except Zein na hindi namin alam kung saan dinala ni Supremo.

Hindi na namin sya hinanap dahil may tiwala kami kay Supremo Ace. Alam kong hindi nya papabayaan ang kaibigan namin.

Narinig ko na naman ang mahinang mura ni Matt habang nakatingin sa sahig. Halos mabaliw na sya kanina nang malaman ang nangyari kay Zein. Maging ako, mahigpit na pagpipigil ang ginagawa ko baka mahambalos ko sa pader ang mukha ng lahat ng estudyante na involved kanina lalong lalo na ang Putang Roxane at Hinayupak na Angel. Tangina nila.

"Kamusta na kaya si Zein?" Dinig kong tanong na naman ni Mia na tulala lang din.

"She will be fine. Supremo is with her."

Hindi ko maiwasang mapangiti na kahit na karibal ni Matt sa puso ni Zein si Ace ay pinagkakatiwalaan nya pa rin 'to. Ni hindi nya naisipang umepal sa dalawa na kadalasang ginagawa ng ibang lalaki. Well, iba naman sa kanila si Matt e. Alam nya kung ano ang mas makakabuti kay Zein.

"Ayoko na!" Sigaw ni Roxane na nakatayo na sa pinaka harap. "Bakit ba tayo natatakot sa lalaking 'yon?!" Dugtong pa nito na ikinatawa ko.

Kahit na anong gawin nyang pagmamatapang, kitang-kita ko pa rin ang takot sa mata nya. Bitch, pay for your debt.

"Watch your words, Roxane." Babala ni Angel na tumayo na rin sa gilid nya.

"Why?! Oh! Ikaw pala ang may kasalanan nito! Gusto mong mamatay na si Zein para masolo mo na si Supremo." Isang sampal amg inabot ni Roxane kay Angel.

Kaya naman pala, Demonic Angelica. Alam mong wala kang laban kay Zein sa puso ni Ace kaya tinangka mo syang patayin. Nakakaawa ka, hindi ka marunong lumaban ng patas--Oh well, kapag pala lumaban ka ng patas talo ka pa rin kay Zein Shion, wala ka sa kalinkingan nya.

"How dare you?! I am the Queen here!"

Nagsabunutan sila. Sige lang, magsakitan kayo pero huwag muna kayong magpapatayan ah? Gusto ko pa kayong makitang magdusa at paghirapan ang paglapastangan nyo sa kaibigan ko, sa pinakaimportanteng tao ng isa sa pinakamataas sa HU.

Natigilan silang lahat nang pumasok ang mga lalaking nakaitim na mask. Tangina! Ano 'to? Bakit andito ang Black Blood Gang?! Anong ginagawa nila dito?!

Sa pinakahuli ay si Nazzer Lumia na walang maskara. Sandali itong tumigil at lumingon sa amin--- Mukhang kay Matt ata sya nakatingin. Ngumisi ito bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nanahimik si Roxane at Angelica na hindi na nagkikibuan ngayon.

Napakabigat talaga ng presensya ng mga lalaking nakaitim na maskarang ito, lalong-lalo na si Nazzer Lumia na nakangisi sa mga estudtante na hindi makatingin sa kanila ng diretso.

Kung titignan ay simpleng estudyante lang sya, napakainosente pero huwag ka lang titingin sa mata nya dahil makikita mo ang demonyong nakakubli sa inosenteng katawan ng lalaking 'to.

"Anong ginawa nyo?" Natatawang tanong nya sa lahat na may halong pananakot. "Bakit nyo ba kasi sya ginalit? Tsk tsk." Umiling-iling pa ito.

Anong sinasabi nya?

"Naku lang, kung nakita nyo kanina si Supremo? Lagot talaga kayo." Humalakhak ang may pulang buhok na nasa tabi ni Nazzer kaya sinamaan nya ng tingin ito na ikinatahimik nya.

Si Supremo ang nagpapunta sa kanila dito? Pero bakit? Anong pinaplano nya at kailangan pang isama ang BBG?

Napansin ko rin ang isang babaeng mahaba ang buhok na nasa tabi ni Nazzer. Nakamaskara rin ito pero alam kong nakatingin ang kanyang malalim at maitim na mata sa amin.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon