Chapter 50

2.1M 74.7K 56.7K
                                    

Chapter 50: Zein Shion

Zein's Point of View

What's with me? I mean, hindi pa lumilitaw ang araw pero gising na agad ako. Binalingan ko ng tingin ang wall clock bago sumimsim sa kape ko.

5:30 am...

"Bakit ang bagal ng oras?" Bulong ko sa sarili ko bago mulig sumimsim sa kape ko.

"Babagal talaga ang oras lalo na kung sinusundan mo ang takbo ng kamay nito."

Muntik ko ng maibuga ang kape sa gulat nang biglaang sumulpot si Vanessa na dumiretso sa loob ng cr.

Bakit ko nga ba binabantayan ang oras? Hmmm? Yeah, ngayon na sya babalik. Tapos na ang isang linggong suspensyon nya.

Hindi nila maaalis sa akin ang excitement dahil matagal din naman kaming hindi nagkita at ganon pa rin naman ang pagtingin ko sa kanya. Walang nagbago at walang mangyayaring pagbabago roon. Hindi maaalis sa akin ang pangungulila.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng cr ngunit hindi na ako nag-abalang tapunan ito ng tingin bagkus ay tinitigan ko na lang ang walang lamang tasa sa haparan ko.

Shit! I miss him so damn much as hell! I can't deny it anymore. Alam kong alam nilang lahat 'yon dahil obvious naman pero ano bang pake ko? Totoo naman. Psh.

"Mahal ka pa no'n... huwag kang mag-alala."

Sinamaan ko ng tingin si Vanessa na nagtitimpla ng kape. "What?" Iritang tanong nya.

Ngumuso na lang ako at nilagay sa sink ang tasang ginamit ko bago muling bumalik sa upuan ko kung saan nakasunod ang mata sa akin ni Van.

"Stop staring..."

"Ganito ka pala ma-inlove..."

"What?" Ako na naman ngayon ang nairita.

Nagkibit-balikat ito bago ngumisi. Umangat ang kilay ko at aktong magsasalita na nang may bumukas na naman na pinto.

"Himala~" Jerome said in a chant tone with a wide grin staring at me.

Iniwas ko ang mata ko dahil sa mga nanunukso nyang tingin. Narinig ko ang mahinang tawa ni Vanessa.

"Vanessa ko?"

Napatingin ako kay Jerome dahil sa sinabi nya. Nakatingin ito kay Vanessa na nakangiwi sa kanya.

"Kailan mo pa ako naging pag-aari?"

"Kahapon. Magsimula nung halikan mo ako."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jerome at sa isang iglap ay nagkaroon na naman ng live action sa harap ko.

"Tigilan mo akong aso ka! FYI! Natapilok ako no'n!" Sigaw ni Vanessa habang sinasabunutan si Jerome na ngayon ay nakalupasay na sa sahig.

OH.MY.GHAD!

"Natapilok? Tapos sa labi ko? Utot m--Ouch! It hurts Vanko."

Natawa na lang ako. Kapansin-pansin na habang ginugulpi ni Vanessa si Jerome ay nakangiting aso ito. Oh men! Tell me, what's with them? It's obvious that their feelings is mutual. Ghad! This is love.

Pumunta na muna ako sa kwarto namin at iniwan ang dalawa na naggugulpihan pa rin. Tulog pa rin si Mia na sinakop na ang buong kama.

Napatingin ako sa salamin at hindi sinasadyang bumaba ang mata ko sa labi ko.

Fuck you, Raze.

UGH! Hindi ko pa rin matanggap na ninakawan nya ako ng halik kahapon matapos nyang guluhin ang sistema ko. Hindi ko na alam ngayon kung anong gagawin ko.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon