Kabanata 42

4.2K 92 2
                                    

Kabanata 42 ~ Change my Mind

"Hoy bakit mo ako dinala rito? Paano kung hanapin ka nila?" tanong ko sa kaniya.

"Pabayaan mo sila na akalain ay kinain na ako ng C.R. Sabi ko kasi magsi-C.R. lang ako." ani Rex.

"Paano ka nakapasok?" curious kong tanong.

"Inabot sa akin ng kuya mo. Mukhang alam niya na kung saan ako pupunta." wika niya.

Kinakabahan ako ngayong kalapit ko siya. Feeling ko kapag kalapit ko siya ay tutulo 'yong luha ko.

"Shh... Why are you crying?" asked Rex and wiped my tears using his thumb.

Naiyak ba ako?

"Nothing." sabi ko na mahinang humihikbi. Naguguluhan talaga ako. Parang ilang months palang naman kami magkakilala, 'di ba? Pero kung anu-ano ng naiisip ko like,

Ayaw kong may kaagaw ako.

Sana mag break na sila.

Sana ako na lang.

May tumutusok sa dibdib ko kapag nagseselos.

"Anong problema? Tell me." Rex asked.

Bumuntong hininga ako at huminga ng malilim bago magsalita.

"Ano ba ang feeling ng in love?" tanong ko. Iyan kasi talaga ang ikanagugulo ng isipan ko.

"Lumalakas ang tibok ng puso kapag nakikita mo siya. Gusto mo sa'yo lang siya and you're being selfish. Nagseselos ka kapag may kasama siyang iba. Kaunti lang 'yon sa mga mararamdamam mo." Aniya.

So positive?! Hehe... hindi ako buntis, ha.

"May crush kasi ako and I think parang hindi lang 'to crush dahil pareho ng mga sinasabi mo ang nararamdaman ko. What should I do?" tanong ko. Tama bang sa kaniya manghingi ng advice?

"Y-you should tell him. Malay mo gusto ka rin niya. Close ba kayo?" tanong niya.

"Dati hindi kami close pero ngayon, 'ata? Hindi naman kami masyadong nag-uusap. Atsaka may girlfriend na siya paano ko sasabihin? Basted kaagad ako?" Mahina kong sabi. Ang sama panaman pakinggan na nabasted ako. Kababae ko pa namang tao.

"H-hindi naman porke may girlfriend basted kaagad." wika ni Rex.

"Do you think he likes me too?" tanong ko.

"It depends. Kung mahal niya ang girlfriend niya or not. But, mas maayos kung sasabihin mo pa rin sa kaniya." ani Rex.

"Sa tingin ko. M-mahal niya ang girlfriend niya?" tanong ko pa.

"How can you say that he like his girlfriend?" Sabi ni Rex.

"Lagi silang nagkikiss?" Hindi sigurado kong sagot.

"It's just a kiss. Maybe some fling? But I suggested, that you should tell him."

Is this the right time? Princess Freyazia or Freyazia Maribella, matapang ka hindi ba? Tell him the truth daw.

Inhale...Exhale...

Ano man ang kalabasan nito ay bahala na. Kung mabasted nga ako ay kakalimutan ko na lang siya.

"I like you." nakita kong nagulat siya at hindi makagalaw.

Ito na nga siguro 'yon. Basted na ako.

Nakakahiya na masakit.

Tumakbo ako sa kahihiyan at hindi pinakita na nasasaktan ako at gustong umiyak.

Ito ang unang beses na magkagusto ako sa isang tao tapos ganito pa?

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon