Kabanata 44

4.1K 78 1
                                    

Kabanata 44 ~ Courting

Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon.

Sino ba namang hindi, kung ang nanay ng gusto mo ay kaharap mo at tinititigan ka.

"Ma, 'wag mo siyang takutin." ani Rex sa Mom niya.

"She's really beautiful and I adore her gray eyes." ani Mrs. Fiona na nakapagpatanggal ng kahit konting kaba ko.

"Ikaw Rex, ano namang naisip mo at nangloko ka ng isang babae? At si Nika pa, alam mo naman na napakabait ng batang 'yon. Hindi sa tutol ako pero hindi maganda ang ginawa mo." ani ng Dad ni Rex.

"Hindi ko siya niloko Dad. Ako ang naloko ng puso ko. Akala ko siya pa rin ang mahal ko pero may iba na pala. I'm sorry, okay. Hindi ko na kayang pigilan 'to." seryosong ani Rex.

"Ano pa nga ba? Ano ng gagawin mo hijo? Alangan namang ligawan mo ang anak ko ng may girlfriend ka. Hindi ko gusto iyon." wika ni Dad na nakatingin kay Rex.

Naramadaman ko nalang ang pagpula ng mukha ko dahil sa sinabi ni Dad. Payag siyang ligawan ako ni Rex?

"Makikipag-break po ako sa kaniya." determinadong wika ni Rex.

"Then do it. Alam kong mabait talaga ang batang 'yon pero wala na tayong magagawa. Hijo, kung sasabihin mo sa kaniya ang tungkol dito ay maigi na ang sa personal." ani Mama.

"Makakahanap din siya ng para sa kaniya." ani Mrs. Fiona.

Akala ko hindi nila ako matatanggap dahil isa akong sulutera ng boyfriend.

"Anong masasabi mo hija? Kanina ka pa tahimik, a." napatingala ako ng biglang magsalita ulit si Mrs.Fiona.

Nakatingin din sa akin si Rex.

"Ah... Hindi po ba kayo galit? Boto po kayo kay Nika 'di ba? At tinanggal ko siya sa buhay niyo." malungkot kong sabi na kinataas niya ng kilay.

"You're right, boto ako kay Nika pero kung pwede lang mandaya sa botohan ay malamang ilang beses akong boboto para sa'yo." napalitan ng ngiti ang nakataas niyang kilay.

I smile widely.

Hindi pa kami ay tanggap na kaagad nila. Sasagutin ko kaya si Rex? Mahina akong natawa sa naisip.

"Thank you po, Mrs. Fiona." kumunot ang noo niya.

"Call us tito and tita or Mom and Dad?" Lalo akong natawa sa inasta niya.

Ganito rin kaya sila kay Nika?

Tumingin ako kay Rex at saktong nagtama ang paningin namin kaya bigla niya akong kinindatan.

Butterfly inside my stomach. Kilig! This is the feeling of in love.

**


"Princess! Gising ka na. Nandiyan ang manliligaw mo." ani kuya Zein.

Tinakpan ko ang tainga ko sa sobrang ingay ni kuya.

"Sige pumasok ka na lang." boses galing sa labas.

Nagpatuloy lang ako sa pagtulog at niyakap ang unan na kalapit ko.

Hindi ako naging komportable sa posisyon ko kaya humarap ako sa kabilang gilid na malapit sa bintana.

"Gising, baby." ani ng isang tinig.

"Mama, mamaya na po." inaantok ko pang sabi.

"Baby, ako 'to. Sabay na tayo pumasok." bigla akong napabangon ng wala sa oras ng maging pamilyar ang tinig nito. Paulit-ulit na kinusot ang aking mga mata at sumigaw.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon