Kabanata 45

4.1K 83 0
                                    

Kabanata 45 ~ Sweet

Siksikan dito sa gym. Sa dami ba naman ng estudyante malang na puno talaga rito.

"Ano bang meron?" tanong ko sa kalapit ko.

"I Don't know." mahina niyang sabi na mabuti at narinig ko pa.

Marami na rin kasing chismosa sa mundo.

Kami na naman ang pinag-uusapan. Sino raw kaya ako, kung bago lang ako rito, kaano-ano ko si Rex.

May lalaking hindi ko kilala ang pumunta sa gitna ng stage at nagsalita.

"Nagpapasalamat kami sa patuloy na tumutulong upang mas maging maganda ang ating paaralan. Pero may mas importante kaming gustong sabihin bukod doon. Ang sa pagkakaalam niyong lahat ay isa lang ang anak ng Caviezel at nagkakamali kayo. Hindi lang si Prince Zeiner ang anak nila, biniyayaan din sila ng isang napakagandang Prinsesa na si Princess Freyazia Caviezel. " halos matumba ako sa narinig ko at mamaya-maya pa'y may ilaw na nakatapat sa akin. Spotlight?

Nagtinginan ang lahat sa akin habang ako ay hindi makagalaw sa kintatayuan ko.

Naramdaman kong may isang taong himuhila sa akin.

"Alam mo?" tanong ko kay Rex. Tumango lang siya at hinila na ulit ako.

Nang makarating kami sa unahan ay rinig na rinig na lalo ang bulungan na hindi maiiwasan. Sino bang hindi magugulat?

Maraming nagtanong kung paano iyon nangyari pero pinili nilang isikreto na lang. Pagkalipas ng ilang oras ay nagsibalikan na sila sa kani-kanilang klase. Habang ako ay naandito pa rin kasama si Rex.

"Beautiful pamangkin." Napatingin na lang ako sa nagsalita.

Sino sila? Tinawag ako no'ng babae na pamangkin.

Don't tell me sila ang mga kamag-anak ko?!

Lumapit sila sa aking lahat. May bata, teenager, at matanda.

Nandon din sina Dad, Mama at kuya Zein.

"Bakit kailangan niyo pa pong ianunsyon sa lahat?" taka kong tanong.

"Para alam nila. Sabi kasi nitong magaling mong kuya na binu-bully ka raw dati." ani Mama.

Isa-isa nila akong ipinakilala sa mga tito't tita ko.

Sa side ng Dad ko ay apat silang magkakapatid. Sina Tito Troy ang panganay, si Dad ang pangalawa, si Tita Erika ang pangatlo at ang bunso sa kanila ay si Tito Kiel.

Ang pangalan ng asawa ni tito Troy ay si tita Erin at may dalawa silang anak si Ron ang panganay at si Teri ang pangalawa.

Ang kay Tita Erika naman ay si Tito Darwin at may isang anak na si Rade Kain o Kain. (Keyn)

Ang bunsong si Tito Kiel at ang asawa niyang si Tita Dhidree ay nabiyayaan ng apat na anak! Si Kiree ang panganay, Dhiel ang pangalawa, Reekiel ang pangatlo at ang bunsong si Leik.

Dalawa lang ang babae sa kanilang magpipinsan si Kiree at Leik lang.

Sa side naman ni mama ay isa lang ang kapatid niya na si Tita Zia na ang asawa ay si tito Carlos at isa lang ang anak na si Carlia Aiz na isa ring babae.

Nakipagbeso at shakehands silang lahat sa akin.

"Marz! Uy sorry na-late ako." Gabbie?!  napatingin ako sa kaniya ng head to toe. Tinakpan niya naman ang katawan niya gamit ang mga kamay niya.

Lokaret talaga.

"Bakit ka nandito? Hindi ka ba papasok?" tanong ko.

"Papasok, kaya nga nandito ako 'di ba? Loka-loka ka. Hindi mo ba nakitang nakasuot ako ng school uniform niyo?" tanong niya na tinaas ang isang kilay.

"Napansin ko nga. So, ibig mong sabihin dito ka na mag-aaral?" tanong ko.

"Yeah! Dahil nandito ang Marz ko ay dito na rin ako!" masaya niyang sabi at ginawa namin ang clap namin pagnagkikita.

Pagkatapos ay bumulong siya.

"Para rin kay Harry." kinurot ko siya sa tagiliran.

"Kiri ka."

Pagkatapos akong ipakilala sa kanila ay sa bahay na lang daw ulit kami magkita-kita at may pa-party. Isama ko raw ang mga kaibigan ko. Sina Gabbie, Denice at ang Death Slayers ang mga kaibigan ko tapos hindi pa pwede si Denice. Hays.

Bumalik na kami sa kaniya-kaniya namin klase. Kasabay ko si Rex at Gabbie sa pagpunta sa room namin. Maka-section pa rin kami.

Si Gabbie naman ay kaklase ko na rin.

Umupo na ako sa rati kong upuan. Wala si Denice sa kalapit ko, alam kaya nila kung anong nangyari?

"Sinong nakaupo sa kalapit mo? Pwedeng paupo?" ani Gabbie.

"Sige, si Denice ang nakaupo diyan dati." paliwanag ko sa kaniya at tango lang ang naging tugon niya sa akin.

Tumungo na lang ako dahil nakatingin sa akin ang mga kaklase ko na noon. Ang akala nila ay ako si Maribella at ngayon ay Princess Freyazia na.

"You'll move or I'll remove you in this world?! " sino naman 'yon? Mukhang may nag-aaway pa 'ata.

"Bakit ba? Wala ka namang pakialam dati kung saan ka uupo, a ?!" rinig kong sagot ng isa pang lalaki.

"Then I will remove you." nakatungo pa rin ako ng may marinig muli akong ingay at tilian.

"Kyaa! "

"Tama na, Boss."

"Ano bang nangyari, Rex?"

Ha?! Rex?!

Napatunghay ako bigla.

Holy cow! Bakit may ibang nakakalat na upuan?

Nakita kong nakakuyom ang dalawang kamao at pulang-pula ang mukha ni Rex habang nakaupo na 'yong lalaki'ng kalapit ko. Kalapit ko pala 'yong natumba hindi ko manlang alam.

Tumayo ako at lumapit kay Rex.

"Anong nangyari?" mahinahong kong tanong kay Rex habang nakapamewang.

"That asshole! Ayaw niyang sundin ang inuutos ko. " paliwanag niya sa akin.

"At bakit ka naman nag-uutos? Ano ka prinsipe?" balik kong tanong.

"I just want to sit beside you. Is that a bad idea? Mahirap ba talagang sundin ang utos kong lumipat siya ng ibang upuan?!" tanong niya na nakapagpapula sa mukha ko.

"Sorry. Lumipat ka nalang sa ibang seat." paghingi ko ng paumanhin sa lalaking kalapit ko sa left side dahil sa right side ay si Gabbie ang kalapit ko.

Itinayo ko 'yong upuan na natumba at inayos para ilagay sa kalapit kong upuan. Isip bata naman pero sweet

Sinenyasan ko na sina Ace na umupo na dahil sila ang umaawat kay Rex.

Hinawakan ko ang dalawang balikat ni Rex para iupo siya sa kalapit ko. Medyo nahirapan pa akong paupuin siya. Hanggang balikat niya lang kaya ako.

Huminahon siya at inilagay ang bag niya sa gilid ng upuan.

"Tsk, lagot 'yan sakin mamaya." narinig kong bulong niya.

"Hey, hey, hey, huwag mong gawin ang binabalak mo." sabi ko at hinawakan ang kamay niya na nakatago sa gilid ng upuan.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"I will never do anything bad just hold my hand, hug me or kiss me. " aniya na bigla akong kinidatan.

Shems!

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon