MPML Book 2 (43)

3.5K 90 9
                                    


Month of Division Quiz bee, lahat ng professors busy sa kanya kanyang representatives. Review dito, review doon, ako naman antay dito, antay doon. Nasa office ako ngayon at kanina ko pa inaantay si Andrea dahil magrereview kami, alam ko namang matalino na sya pero hindi porket matalino na at marami ng alam e hindi na kakailanganin pang magreview ng ilang topics.

Like Mathletes, sa iba't ibang lugar manggagaling yung mga makakalaban nya at sa iba't ibang unibersidad din mang-gagaling ang mga yun. Review talaga ang kailangan pero itong si Andrea, almost 1 hour ng late sa usapan namin.

"It's been 1 hour where are you?"

Message sent.

Pang anim o pang walo ko na atang text sakanya yun. Napaglaruan ko na lahat lahat ng gamit na nasa desk ko wala parin sya. Huminga naman ako ng malalim at sumandal sa upuan ko. May gulong yung upuan ko at naiikot yun kaya ayun, kumukuha pa ko ng chempo at pabilis ng pabilis yung pag ikot ko sa upuan ko. Para na kong masusuka pero feel na feel ko pa yung pagikot ko, nakapikit pa ko habang nagugulo na yung buhok ko ng may marinig naman ako.

"Ehem."

Humawak naman agad ako sa desk ko at pinigilan yung pag-ikot ko.

"Mom, are you crazy?"

It's Andrea.

Hinawi hawi ko pa yung buhok ko na napunta sa mukha ko bago ko sya sinagot. Tinawanan pa nya ng may makain akong ilang buhok ko.

"You don't get to laugh, you are late for almost an hour." Tinaasan ko sya ng kilay.

"I'm sorry Mom, umattend kasi ako sa seminar ni Daddy." She smiled at me and sat on the chair next to my desk.

For the nth times, pagsasabihan ko na naman sya tungkol sa pangsstalk nya sa tatay nya. Simula kasi ng malaman nya yung totoo, hindi na nya tinigilan si Yuji.

"Andrea, diba sinabi ko na sayo tigilan mo yang kakasunod mo kay Mr. Yuji? Makakahalata na yun sa ginagawa mo, isang linggo kanang nagmumukhang stalker nyan." Hinahanda ko sa harapan nya lahat ng irereview namin habang pinagsasabihan ko sya.

"Mom, hindi naman ako nahahalata ni Daddy. Don't worry maingat naman ako, ang sarap kasi titigan ni Daddy. Ngayon ko lang narealize ang dami ko palang nakuha sakanya no?"

I crossed my arms and stared at her.

"Maganda ka, sakin mo nakuha yan. Matalino ka, sakin mo parin nakuha yan. Makulit ka, sakin mo rin nakuha yan. Selosa ka, ayan sa tatay mo yan nakuha."

"Aysus Mommy, if I know lahat ng meron ako hating hati sainyong dalawa ni Daddy yung namana ko." Ngiti pa nya.

Nginisian ko nalang din sya dahil tama naman yung sinabi nya. Hati talaga samin ni Yuji yung mga nakuha nya samin, actually Yuji's kinda blind for him to not see that. Madalas nga kaming mapagkalamang mag-ina ni Yuji pag magkasama kami ni Andrea sa cafeteria but life as we know it, we just nod, smile and laugh. Totoo naman kasing mag-ina kami ni Yuji yun nga lang sya lang ang tanging hindi nakakapansin.

But I don't blame him, madali nya kasing pinaniwalaan yung sinabi kong si Avery ang ama ni Andrea.

Ang mokong hindi man lang nagtaka na moreno si Avery at maputi si Andrea. Matangos ilong ni Andrea na nakuha nya sakanya tapos medyo maliit naman ilong ni Avery. Makurba yung labi ni Andrea, medyo malapad naman yung kay Avery. At isa pang nahahalata ng lahat bukod sakanya, yung kulay at texture palang ng buhok ni Andrea kuhang kuha na nya sakanya pero hindi nya parin napapansin yun.

Ang daming nakuha ni Andrea sakanya pero wala, bulag ang lolo niyo at hindi nya yun makita gamit ang sarili nyang mga mata.

Nagsimula ng magsagot si Andrea sa mga pinapasagutan ko sakanya ng bigla namang bumukas yung pinto.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon