Chapter 17 -- The Hostile

4.8K 80 1
                                    

Pakiramdam ni Carlyn ay isang bangungot lang itong nangyayari sa kanya at bukas pag gising niya ay babalik na ulit sa dati ang lahat. Sa mga ganitong sitwasyon ay si Nicko lang ang pinaghuhugutan niya ng lakas ng loob.


Natutulog ngayon ang kanyang anak at tinitignan niya ito. Hindi niya hahayaang mawalan ng Ama ito habang siya ay lumalaki. Gagawin niya lahat ng paraan para mawala sa eksena ang umakit sa kanyang asawa.



Nasa park lang si Ervic malapit sa kanilang bahay at nakaupo sa swing. Nag iisip kung ano nga ba talaga dapat ang tamang gawin sa lahat ng mga nangyari ngayon. Inihanda naman nila ni Natalie ang kanilang mga sarili kapag nalaman na ng lahat ang tungkol sa kanila. Kaso ang plano nila ay sila ang magsasabi, sila ang magpapa alam, lalo na kay Carlyn. But it turns out na naunahan sila ni Carlyn na malaman ang katotohanan. Kaya gulong gulo sila ngayon. Hindi na siya masaya sa asawa kaya napagpasyahan na niyang kay Natalie na lang siya. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya naalagaan ng maayos ng asawa. Habang kay Natalie ay asikasong asikaso siya at ramdam niya talaga na mahal siya nito.



Magpapalipas muna siya ng mga ilang oras dito sa park at maya-maya ay uuwi na din siya. Sa sala na lang muna siya matutulog habang magulo pa ang lahat. Tutal hindi pa din naman siya pinapalayas ni Carlyn. At kung umalis man siya ay siguradong magtataka ang kanyang anak.



Umiinom mag-isa si Natalie sa isang wine bar. Habang umiinom ay tumutulo ang kanyang mga luha. Nasasaktan din naman siya sa mga nangyayari. Pero kapag pinabayaan niya si Ervic na manatili kay Carlyn ay siya naman ang sobrang masasaktan. Hindi na siya papayag ngayon na magpaubaya kahit pa sabihing nauna si Carlyn kay Ervic. Ang mahalaga ay kung sino na ngayon ang mahal nito.



Ipaglalaban ko si Ervic kahit anong mangyari. Hindi nako papayag na manahimik na lang sa isang tabi. I'm sorry, Ate Carlyn, kukunin ko lang kung anong dapat sa'kin. Tsaka niya ininom ang wine at pinunasan ang kanyang mga luha.




KINAUMAGAHAN balak sana ni Ervic na umalis ng maaga papuntang trabaho para hindi na siya makita ni Carlyn dahil sigurado sasama na naman ang loob nitong asawa niya sa kanya kapag nakita siya.



Palabas na sana siya ng bahay nang magsalita mula sa kanyang likuran si Carlyn. "Sa'n ka pupunta?" Tanong nito.



"Mag ta-trabaho."



"Mag ta-trabaho? O makikipagkita dun sa babaeng 'yon?" Inis na tanong ni Carlyn.



Hindi na lang sumagot si Ervic dahil sigurado lalo lang hahaba ang komprontasyon nilang dalawa. Paalis na sana siya nang hilahin siya ni Carlyn papasok muli sa kanilang bahay.



"Hindi ka aalis ng bahay. Hindi kana mag ta-trabaho."



"Ano bang pinagsasabi mo? Gusto mo bang magutom kayo ni Nicko?"



"Oo. Mas gusto ko ng magutom kami, kesa tuluyang sirain ng babaeng 'yon ang Pamilya natin. Hindi ako papayag na masira ang Pamilyang pingahirapan ko." Nangingilid na naman ang mga luha sa kanyang mga mata.



"Nababaliw kana."



"Siguro nga nababaliw na'ko. Hindi ako papayag na mapunta ka sa babaeng 'yon. Kung kinakailangang sundan kita kahit sa'n ka magpunta gagawin ko." Sumasama din siya kay Ervic palabas pero pinigilan siya nito.



"Tumigil ka nga sa kabaliwan mo. Kaya nga lalo akong nawawalan ng gana sa'yo dahil sa ugali mong 'yan."



"Kung sa tingin mo dahil sa mga nangyari ay pababayaan ko na kayo ng babaeng 'yon, nagkakamali ka. Hindi niyo pa rin malayang gawin ang lahat ng gusto niyo dahil ako pa rin ang asawa mo."



The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon