Chapter 12

392 12 0
                                    

Pumunta nalang ako sa top deck dahil doon naman ako namamalagi ng pagtambay  kapag break time.

Leche Flan talaga yang Boots na yan! Iniwan pa naman ako! Biscuit!!! Nilagang Manok talaga!!! Kakalbuhin ko yung Boots na yun.

Nakarating na ako sa top deck as usual ako lang ang tao. Dumeresto ako sa pinakahuli na may harang ung bang pag tingin mo sa baba ay mahuhulog kana?  Edge kamo.

Ipinikit ko naman ang mata ko dahil ang sarap nang hangin.

More info about me?

Feeling ko relax na relax ako eh.. kaya mag kuwekuwento ako.

Nag tataka ba kayo bakit hindi namin kasama si papa sa bahay namin? Dahil hindi niya mabitiawan ang hinahawakan niyang Hotels at Appartments namin sa New york sa Brooklyn, Manhattan, Bronx, Staten Isaland, New jersey, Queens at iba pa. Sa dami ng pera ni papa ay binibilan nalang kami nang kotse, Bahay, Gadgets, Lands, At mga Shops.

Si Mama ganon rin kay papa. Pero dito lang sa pilipinas ang naka base nang hotel at appartment niya. Palaging andito si mama sa bahay pero pag kailangan siya sa mindanao ay iiwan niya muna kami at aasikasuhin muna niya iyon.

Mga pinsan ko? I'm not interested about them. Hindi ko sila kilala. Asaan ba sila? Eh asa ibang bansa naman sila nakatira.

And my life? Ok lang naman ang buhay ko. NBSB (No boyfriend since birth) Ano pa ba ang maaasahan ko? Eh sa hindi ako interesado sa mga ganyang bagay. Etong puso ko ay wala pa siyang pinipili, ayaw niyang makihati. Ayaw tumibok sa ibang lalake. Ewan ko ba hindi ata to tumitibok eh. EDI sana kung hindi tumitibok ang puso ko sana patay na ako ngayon! Ang tanga ko talaga!!!

Oo dati may nag patibok at nagpalambot na nang puso ko pero tumigas ulit.....

Hayz... Naging ganito ako dahil----- "Gising kaba?" napabukas nalang ako nang mata dahil narinig ko ang pamiliar na boses. Tinignan ko naman yun kung sino.

"Boots"

"Sorry kanina---" nag lagay ako nang earphones sa tenga ko tulad nang ginawa niya saakin kanina. Manigas ka! May sinasabi siya pero hindi ko marinig. Naramdaman ko nalang na may inabot siyang notebook.

{Sorry -boots} isang papel siya na naka sulat ang Sorry. Alam niyo kung anong ginawa ko? Pinunit ko yun and I crumpled and throw it down. Ibinalik ko sakanya ung notebook niya.

{Girl taxi? Sige na Sorry, hindi na kita tatawagin na Dora ^_^ OK ba yun? Basta wag mo na den akong tawaging Boots -Boy taxi} isang page ulit nang papel ay nakasulat yan. Huh! Manigas ka. Pinunit ko ulit yun at tinapon sa baba. Ramdam ko na nag kamot siya nang ulo.

{Girl taxi, alam mo kanina kaya iniwan kita dahil pinapalayo ka saakin nang kuya mo, ayoko na pagalitan ka nang kuya mo OK? Can you forgive me? -boy taxi} alam niyo kung anong ginawa ko doon? Pinunit ko nanaman itinapon ko ulit. Kumuha naman ako nang ball pen sa bag ko at nag sulat sa notebook niya.

{Ok I forgive you -girl taxi} Medyo huminahon kasi ako ngayon, dahil sa masarap na hangin dito sa top deck.

Tinangal niya naman ang earphones ko. Nag tatakha akong tumingin sakanya. "Hi" may jaw drop when he talks to me.

"H-h-hello"

"S-siguro nag tatakha ka?"

"Y-y-yeah, M-mind r-r-reader kaba?" What?!!! Bat ako nauutal?!!

"Nope. I can read your eyes" umiwas naman ang mata ko dahil nag tama ang mata namin.

Wait... ano nga pala ang tunay niyang palangan? Boots? Lazarus? Boy taxi? Kuyang sungit? Bakla? Ano ang real name niya?

"A-a-a-ahh.. Boots"

"Bakit Dora?"

"A-a-ano ang real n-n-name mo?"

Ngumiti muna siya, ang tagal niyang sumagot ah! "I'm Ashton Lazarus" nahulog ang panga ko, so siya pala ung nag add saakin sa Facebook?! "But call me my nick name Ash"

"Ash..."

"Ikaw? Dora? Miss nobody? Miss mekhi? Girl taxi? Tomboy? Miss Poker face? Miss Sariling mundo? What?"

"Really?!"

"Oo"

"Pssh.. Anak nang tinola naman oh! Really? Really? Really?. I'm Jacqueline Mekhi"

"Jacqueline lang ba?"

"Oo!"

"Sinugaling"

"Ok ok! Nakakairita kasi ung second name ko eh! Jacqueline Dixie Mekhi"

"Nice name" inilahad niya ung kamay niya. Tinignan ko lang yun. Napapahiyang ibinaba niya. "Good morning?"

"Good morning den Ash"

"So I will call you Jacqueline?"

"No. Just call me by my nickname. Jac"

"Jac... Jac"

"Ash... alam ko na kung anong itatawag ko sayo!"

"Ano yun?"

"ABO!! Hahahahaha" tawang tawa talaga ako sa naisip ko!

"CHE!"

"ABO!!! Abo!!! Abo!!! Ash!!! Abo!!! Hahahahaha"

"Wag ka nga!!! Ang ganda kaya ng nickname ko!!"

"Hahahahahaha ang cute mo!" Ang cute niya pala asarin! Namumula!

Ride To My Destiny (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon