Chapter 16

2.9K 118 25
                                    


Chapter 16 - Dope


Hope Island feels like a dream. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakapunta ako sa napakagandang isla na iyon. Everything in that island is just stunning. I'm really grateful to Pyxis for taking me there and, actually a bit envious too. Imagine they can always go back there anytime they want! Nabanggit kasi sa'kin ni Miles na madalas daw talaga sila sa Hope Island kahit noong mga bata pa sila.

Anyway, it's back to reality now for me and as usual, naka-zero na naman ako sa algebra. Hindi naman ako nag-iisa. Dalawa kami ni Miles na nakakuha ng itlog. Orange on the other hand, gets a hotdog.

Naawa yata sa'min si Sam, dahil nag-volunteer siya na i-tutor kaming tatlong kamote sa algebra. Napakabait ni Sam. Kailangang kailangan namin ang tulong niya, may long quiz kami this Friday! Kailangan magkaroon kami ng score para naman may ma-compute na grade si Teacher sa'ming tatlo.

Nag-stay kami sa classroom after dismissal. Pinagdikit namin ni Orange ang mga table namin, hinarap naman ni Sam at Miles ang mga bangkuan nila sa'min. Kanya-kanya kaming labas ng notebook at textbook, then Sam asks us kung saang lesson daw kami pinakanahirapan.

Sabay-sabay kaming tatlo na sumagot ng: lahat.

Sam takes a deep breath bago inumpisahan ang pagpapaliwanag. She makes it look easy, pero kapag ako na lang mag-isa ang magso-solve, nahihilo na ako. Miles keeps asking her questions, I think just to tease her but I can't keep up. Nahihilo na akong talaga. At ang sakit na naman ng ulo ko. Umaga pa lang parang pinapalakol ang ulo ko, tinulog ko lang kaninang break time kaya medyo nawala.

I know Sam is doing a great job explaining, pero hindi talaga ako makapag-focus.

I stand up and excuse myself, nagpaalam akong pupunta sa washroom.

Naghilamos ako to freshen up my face. Nagpupunas ako ng mukha nang may magandang boses na nagsalita.

"Look who's here." Aubree says, entering the washroom. She just looks so beautiful as always.

"Hi. It's been a while." I smile at her, but she doesn't return it. Humarang pa siya sa harap ko para hindi ako makalabas ng washroom. "Would you please move? You're in the way."

Ngumisi siya at buong lakas akong tinulak. "You annoy me so much, do you know that?"

Napaurong ako ng ilang hakbang. Takte, wrong timing 'tong si Diyosa. Kung kailan wala ako sa mood!

Aubree smirks, "Nasolo rin kita, finally."

Uh... kikiligin na ba ako o matatakot? I just stare at her. She looks evil, but still beautiful.

"I don't care if your relationship with Tyler is real or fake. I'm going to take him back no matter what." she takes several steps forward until she's finally in front of me.

She's taller than me by a few inches kaya kailangan kong tumingala ng kaunti. "He was never yours, Aubree."

"He will be. At ngayon pagbabayaran mo ang ginawa mong pang-aagaw." Gigil na sabi niya bago ako sinampal.

Pero advance ako mag-isip, I know she's gonna do that. I've been into too many girl fights, this is not new. Kaya bago pa humampas ang palad niya sa pisngi ko, nahawakan ko na ang pulso niya. "Ayoko ng away."

"You asked for it!" sigaw niya at halos mabingi ako.

Pumikit din ako sandali para maibsan ang sakit ng ulo ko. She's making it worse.

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon