Chapter 29

103K 2K 340
                                    

                                                               *****

"Stop drinking mom."

"Pabayaan mo ako. Stop pretending that you care. Anong nakain mo at naisipan mong dalawin sa pinagmumukan niyang hotel ang ina mo?"

"Matagal na kitang gustong dalawin pero ayokong mag-away tayo. Kaya pinalipas ko muna ang ilang araw to cool down your head."

"It won't cool off, Warren unless you stop doing things that worry me."

Dire-diretsong ininom ng ginang ang lahat ng lamang scotch whiskey ng hawak nitong baso. At pagkatapos ay nagsalin ulit ito ng alak. Mabilis na inagaw ng binata ang bote ng whiskey.

"Mom I said stop it! You already quit drinking, don't do it to yourself again."

Galit na tinapon ng ginang ang basong may lamang alak sa sahig at pinandilatan nito ng mga mata ang anak.

"YOU ARE THE ONE WHO MADE ME DO THIS AGAIN! Get your mind right Warren! You're such an embarrasment!"

Mahinahong napatingin si Warren sa nabasag na baso. Bumuntong-hininga. At tiningnan ang medyo may kalasingan ng ina.

"Let's not fight Mom. Pag-usapan natin tong mabuti."

"You don't want us to fight? Then leave the side of that cheap and dirty woman! Hindi kita pinalaki para lamang mapunta sa babaeng katulad niya!"

"I can't. I love her so much... And I want to marry her. I won't give her up Mom kahit ano pa ang mangyari."

Nanlaki ang mga mata ng ginang sa walang kagato-gatol na sagot sa kanya ni Warren. Namumula sa galit na hinawi niya ang lahat ng nakapatong na display sa isang kalapit na mesa.

"AHHH! That is not going to happen! I will die first before you marry that woman! I will never accept that whore as my daughter-in-law!"

Hinayaan lamang ni Warren na magwala ang ina. Mas gusto niyang ilabas na nito lahat ng galit bago ito kausapin ng masinsinan. Hindi niya sasabayan ang galit nito. Mananatili siyang mahinahon at kalmado.

"How could you be this stupid? She's a goldigger, far less educated, unclassy and the worst of it all... TIRA-TIRA NA LANG SIYA NG IBANG LALAKI!"

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon