Chapter 17.2.2

29.4K 606 11
                                    

Published:  September 21, 2013

CHAPTER 17.2.2

I think its way past lunch nang magising ako at wala na sa tabi ko si Katie. Medyo maayos na rin ang pakiramdam ko at mukhang mahusay nga ang gamot na ipinainom niya sa akin. May kaunting pakiramdam lang na parang pumait ang panlasa ko pero mukhang mas okay naman na ako kumpara kanina.

Lumabas ako ng kwarto para tingnan siya sa sala. She's not there, pero may pagkain nang nakagayak. Maliit lang naman ang bahay kaya I decided na tingnan siya sa likod bahay.  Pagsilip ko sa pinto ay naabutan ko siyang  nilalabhan ang mga damit ko?!

"Katie! What are you doing?!" Lumapit ako sa kinalalagyan niya at mabilis na hinawakan ang kamay niyang may sabon.

"Ipinaglalaba k-kita."

"Are you nuts? Hindi mo kailangang gawin 'to!" Alsa-boses pang sabi ko.  She's doing too much for me!

"May sakit ka. Baka mamaya magdecide kang maglaba, baka mabinat ka pa!"

"Hindi mo na kailangang gawin 'yan!" Kumunot ako at nakaramdam nang pangingirot sa ulo.  She's really frustrating!

"Kumain ka na d'un. Tatapusin ko lang 'to!" Kumalas siya sa hawak ko at muling nagkukusot ng damit sa batya. She must be kidding me! Pati ang brief ko?!

"Pati brief ko nilalabhan mo?!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hawak pa niya talaga ang undergarments ko!

"What's wrong?" Natatawa pa siyang bumaling sa akin. "At least you're not on it." Pabirong sabi pa niya at hindi ko nakuhang matawa sa biro niya.

"Hindi ako kakain kapag hindi mo tinigilan 'yan." Banta ko pa sabay talikod.  Sumasakit talaga ang ulo ko sa kanya at mukhang mabibinat talaga ako!

"Ang daya mo naman e!" Maktol pa niya.

"Your call." Sabi ko pa habang nagmamartsa pabalik sa kusina.

As expected, sumunod na rin naman siya na nakasimangot.

"Alam mo bang papatayin ako ng papa mo kapag nalaman niya iyang mga pinaggagawa mo!" Inis na sabi ko pa.  "Ano na lang ang iisipin niya?  Inaalila ko ang kaisa-isang anak n'ya?!"  Dinaanan ko ng mga daliri ang buhok ko at mas lalo akong nanghihina sa mga ginagawa niya.

"Ngayon ko lang naman ginawa 'to, kasi nag-aalala ako para sa'yo!"

"Well, I don't need to be taken care of! Kaya ko ang sarili ko! Matagal na panahon na ako lang ang nag-aalaga sa sarili ko!" Sigaw ko pa at hindi talaga ako komportable sa ginagawa niya. 

Natahimik siya sa sinabi ko at nagluluhang napatitig lang sa akin.

"S-so... you don't need me?" Mapait pang tanong niya at mariin lang akong napapikit.  Shit! It's not like that, baby!

"Baby," agad ko siyang nilapitan at bigla tuloy akong na-guilty. "Wala akong ibig sabihing masama, I'm sorry."

"Ginagawa ko lang naman 'to kasi mahal kita." Nabasag ang boses niya at mabilis na yumuko.

"Hey," inangat ko ang mukha niya at matamang tinitigan.  "Hindi mo kailangang gawin 'yan kasi alam ko namang mahal mo ako. You don't need to please me, baby.  I'm in love with you.  Let's not argue about this, okay? I'm sorry."

"I-I'm sorry too..."

Niyakap ko siya kaagad at mabilis na hinalikan sa labi.

"Kumain na tayo." Kayag ko pa at ayoko rin namang nag-aaway kami.

Tumango lang siya at ako na rin ang naghain ng pagkain namin.

Well, simpleng chicken adobo lang naman ang iniluto niya. Medyo maalat pero alam kong pinaghirapan niya 'yun kaya hindi na ako nagkomento pa.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon