Chapter 18.1.2

28.6K 653 16
                                    

Published: September 22, 2013

CHAPTER 18.1.2

 

KATIE’s POV

            I don’t know kung ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Ricky.  All I know, it felt like years.  Hindi nga niya ako pinupuntahan sa bahay para turuan. Is he breaking up on me?  Did I really push him away?  Naiisip ko pa lang na tuluyan ko na siyang inilayo ay naiiyak na ako.  I was just being honest with him.  I want him so bad because I love him.  Siguro nga turn off ang ganoong ugali. 

            I’m scared to ask him because I might not like what he’ll probably say.  I so love him. I don’t think I can take rejection from him. I just can’t.

            “Can I ask you something, Liz?”  Sa kasalukuyan ay nandito kami sa canteen.  But sadly, he is nowhere to be found.

            “What is it?”  Kumunot pa siya at takang napatitig sa akin.

            “How often are you kissing your date or boyfriend?”

          “What kind of question is that?”  Ngumisi siya at alam kong kalokohang sagot ang pumapasok sa utak niya.

            “Can't you just answer the question.”  Pagtataray ko pa at agad naman siyang napaismid. 

            “Hmm,”  Parang nag-isip siya saglit at tumingin sa kawalan.  “Actually, a lot.”

          “A lot?” 

          “Oo naman!  Most guys will jump over you on a first date!  It’s not like we live on the 21st century.”  Kibit balikat pa siya.  “Minsan nga five minutes pa lang kayo magkakilala, next minute you’re making out somewhere.”

          “Not me.”  Tanggi ko naman.

          “Not me either.  Pero mostly.  I knew some of them.”  Kumindat pa siya at manipis na tumawa.  “Mas lalo pa siguro kung may feelings na involve.  Surely, you can’t get enough of him.”  I think tama siya d'un.  I wanted to be touch because I love him.  I wanted to feel his love for me.  “Is he touching you?  Or maybe kissing you most of the time?”  Pasimpleng usisa pa niya.

          “W-what..?”  Nag-alangan ako at bigla tuloy akong nahiya.  It’s not like nagbilang ako ng boyfriend dahil first ko pa lang naman talaga si Ricky. So, I really don’t know.  Ang pervert nga siguro nang tingin ng iba sa gan'un.  But that's how I felt. 

            “Oh come on,”  Tila gulat pa ang kanyang ekspresyon.  “He isn’t--”

          “Of course he do!”  Mabilis na sagot ko pa at ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi.  “N-not just the touching and kissing more often, as you said it.”

          “Oh my...”  Nanlaki ang kanyang mga mata na para bang hindi makapaniwala.  “Mayroon pa bang gentleman na nage-exist sa mundo?  He can’t be gay, isn’t he?”

          “Of course not!”  Tanggi ko pa sabay irap sa kanya.  “Iniingatan lang daw niya ako.”

          “Oh…”  Napatango siya at mukha namang kumbinsido.  “May ganoong lalaki pa?  Wala kasi akong kilalang gan'un.  Most of them, they want to be under your panty on a first day.”  Ngumisi siya at nahawa na lang ako sa ngiti niya.  Iginala niya ang tingin sa paligid sabay baling sa akin.  “So, where is he?  May LQ ba kayo?”

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon