Chapter 41

341K 4.3K 447
                                    


Chapter 41


KEI'S P.O.V



Tatlong araw na ang lumipas simula ng magpa ultra sound ako. Nakipag hiwalay sa akin si Kyle. Pero joke lang yon. Tawa na. Hehe.



Nasa studio siya ngayon, isasama niya dapat ako kaya lang hindi ako makatayo sa higaan, para bang antok na antok pa rin ako.


Bumangon na ako sa kama namin ni Kyle, oo kama namin... Dahil simula ng maging maayos na ulit kami pinagawan niya ng connecting door ang unit naming dalawa at pinagduksong namin ang kama namin, kumusta naman yon di ba ang laki ng kama namin.



Pagkahilamos at tooth brush ko lumabas na ako ng kwarto, nakakapanibago talaga ang linis linis ng paligid ko ngayon. Pero nakita kong preskong preskong nakaupo si Marie sa couch at nanonood ng tv habang kumakain ng chichiria.


"Kailan ka pa dumating dito?" Bungad ko sakanya!

"Hmm, hindi mo manlang ako kukumustuhin my dear twin sister?" Nakangiting sabi niya ng hindi inaalis ang tingin sa panonood.


"Psh..." Yun lang pumunta na ako sa kitchen, napangiti ako dahil may pagkain sa mesa, may maliit na papel pa dun. Kaagad kong kinuha yon at binasa.


--Para sa maganda kong asawa... I love you baby... I always do...--


Mas lalong lumapad ang ngiti ko, binuksan ko na yung nakatakip na pagkain sa mesa. Picodillio & Chicken Fillet with Egg & Fried Rice, umupo na ako at nagsimulang kumain, may gatas pa sa tabi ko. Maya maya lang umupo sa harapan ko si Marie.


"Is it true? Kambal daw ang anak niyo?" Usisa niya, medyo naiilang pa rin akong kausapin siya dahil sa nangyari saaming dalawa, saka isa pa sakanya ko itinaboy noon si Kyle.


Tumango lang ako bilang sagot at kumain na lang ulit, pero titig na titig siya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.



"A-are we okay?" Biglang tanong niya, napainom naman ako ng gatas at tinignan ulit siya.


"Yeah... O-Of course..." Nauutal na sagot ko.



"You sure? Well, alam ko hindi naman ganun kadali ang maging magkasundo tayong dalawa... Pero I'm hoping na makalimutan na lang natin yung mga nangyari noon...besides, magkakapamangkin na ako!Hindi ka ba nae-excite?!" Halos lumuwa ang mata ko ng makita kong tuwang tuwa siya ng banggitin ang pamangkin.


"Bakit mas masaya ka pa sa akin?" Usisa ko... Medyo nabahiran ng lungkot ang mukha niya, huminga siya ng malalim bago ako tinignan ulit... Masaya rin naman ako, pero yung saya niya kasi iba.


"Hmm...masaya lang ako para sayo..." Malungkot na sabi niya, napakunot ang noo ko, binitawan ko ang kutsara at tinidor ko saka tinitigan siyang mabuti.


"Alam ko hindi tayo ganon kalapit sa isa't isa... Pero pwede mo namang ikwento sa akin di ba? Kapatid mo pa rin ako, at gaya ng sinabi mo noon Ate mo pa ako." Pinilit kong ngumiti kahit na naiilang pa rin ako sakanya, ngumiti rin siya sa akin yung tipong totoong ngiti mula sakanya.


"Well, sad to say... Nawalan na ako ng baby..." Bulong niya nanlaki ang mata ko sa narinig ko, maya maya pa dumukot siya ng yosi sa bag niya at sinindihan iyon saka humithit, nanginginig ang kamay niya habang hawak yung yosi. Napatakip ako ng ilong at bibig dahil bawal sa akin ang makalanghap non, hello? Buntis ako noh.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon