Chapter 19 -- Heavily Broken

4.6K 66 0
                                    


Nag iingat pa rin naman si Natalie sa kanyang mga ikinikilos lalo na sa bahay. Ayaw muna niyang malaman ng kanyang Dad ang relasyon nila ni Ervic, baka lalo kasing lumala ang sakit nito. And worst baka atakihin ito sa puso. In due time, sasabihin din niya dito ang totoo.



Madalang na lang kung pumasok sa office si Mr. Ortega kapag kinakailangan lang talaga dun siya nag ta-trabaho. Bawal na kasi sa kanya ang mapagod, kailangan nasa bahay lang siya. Sadyang matigas lang ang kanyang ulo kaya nag ta-trabaho pa rin siya. Katuwang na din niya sa pag ta-trabaho si Ayen. Si Natalie kasi ayaw niya sa gano'ng trabaho, mas gusto niyang manguha ng mga letrato.



GALING sa Supermarket si Natalie at pinamili niya ng maraming prutas ang kanyang Dad. Naubos na kasi ang mga prutas sa two-way door ref nila. Nag prisinta siya na siya na lang ang ibibili, instead na 'yung katulong.



Pumunta siya sa malaking kitchen nila para sana ipaghanda ng prutas ang Dad niya na noo'y ay nasa kwarto nito at nagpapahinga galing sa office. Nakita niya ang katulong na may dalang tray ng pagkain. Dalawang cake at dalawang juice ang laman no'n.



"Manang, para kanino 'yan?" Usisa ni Natalie sa katulong.



"Para po kay Ma'am Ayen at sa bisita niya." Sagot ng katulong.



"Bisita? Sino naman ang magiging bisita ni Ate?" Takang tanong niya.



"Hindi ko po kilala, Ma'am Natalie. Ngayon ko lang po kasi nakita ang bisita niya dito."



"Nasa'n sila?" Na ang tinutukoy niya ay ang kanyang Ate.



"Nasa may pool side po."


Agad na nagtungo si Natalie sa may pool side para tignan kung sino ang bisita ng kanyang Ate. Iniisip niya na baka college classmate o kaya naman ay old friend ni Ayen.


Hindi pa man siya nakakatungo sa kinaroonan ng table nina Ayen ay natanaw na niya kung sino ang bisita ng kanyang Ate. To her surprise, si Carlyn pala 'tong bisita.


What is this bitch doing here? Ramdam niyang umakyat ang dugo niya sa kanyang ulo. Isa lang ang nasisiguro niya, ayaw niyang makitang nandito sa bahay nila si Carlyn.


Agad na nilapitan ni Natalie ang dalawa. "Ano'ng ginagawa ng babaeng 'yan dito?" Inis na tanong niya kay Ayen.


Napatingin tuloy ang dalawa sa kadadating pa lang na si Natalie.


"Natalie." Sambit ni Ayen. Napatayo tuloy sila ni Carlyn.



"Bakit nandito ang babaeng 'yan?" Ulit na tanong niya. "Tsaka ano'ng pinag uusapan niyong dalawa?"



Hindi inaasahan ni Ayen na uuwi agad ang kapatid sa ganitong oras. Kalimitan kasi ay nag ta-trabaho pa ito at ang kadalasang pag-uwi ni Natalie ay gabi na. Kaya nga inaya na lang niya si Carlyn na dito mag usap imbes na sa labas pa.


"Huwag kang mag alala, Natalie, aalis din ako." Malumanay na sabi ni Carlyn.


"Ano bang balak mong gawin? Kunin ang loob at simpatya ng Pamilya ko? Para sa'yo sila kumampi?"


"Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" Suway ni Ayen.


"Ano? Gusto mo din bang kausapin si Dad? Para magmukha kang kawawa sa Pamilya ko at ako ang maging masama?"


"Tumigil kana." Suway ulit ni Ayen. "Kung may biktima man dito walang iba kundi si Carlyn 'yon."


"Okay, I got it. Na brain washed kana pala ng babaeng 'to. No wonder sa kanya kana kumakampi."


The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon