Chapter 22 -- Crossing The Finish Line

6.1K 87 9
                                    

Simula nang malaman ni Ervic na buntis si Natalie lagi na niya itong pinagdadala ng mga prutas at gulay. Lahat ng masusustansyang pagkain ay binibili niya para dito. Gusto niyang parehong maging malusog si Natalie at ang baby. Hindi niya din ito hinahayaang magpaka pagod ng sobra kahit pa halos isang buwan pa lang ang tiyan nito.



Hindi rin naman kinakaligtaan ni Ervic ang responsibilidad niya sa kanyang Pamilya. Inaasikaso na niya ang mg ito. Madalang na din silang mag away ni Carlyn.


Ngayon pinaghahandaan na lang nila ang nalalapit na kaarawan ng anak. Gusto daw ni Nicko na mag swimming. Kaya plano ng mag asawa na mag overnight na lang sila sa isang resort around Manila lang naman.



'Yan tuloy gulong gulo pa rin ang utak ni Ervic hanggang ngayon. Pakiramdam niya sasabog na ito sa dami ng problemang kanyang iniisip. Hindi din naman niya pwedeng iwan si Natalie dahil dinadala nito ang kanyang anak. Hindi na niya din kasi pwedeng iwan ang kanyang Pamilya dahil nga sa suicide tendency ni Carlyn.



PINUNTAHAN ni Ayen si Ervic sa pinag ta-trabauhan nito at niyayang mag usap. Pumayag naman si Ervic. Sa isang coffee shop malapit sa trabaho ni Ervic sila nagtungo. Parang alam na ni Ervic ang sasabihin sa kanya ni Ayen. Inihanda na lang niya ang kanyang sarili sa maaaring sabihin ng kapatid nito.



"I'm sure, alam mo na ang pakay ko sa'yo." Panimula ni Ayen.



Hindi nagsalita si Ervic. Hinalo lang niya ang kanyang kape sa stirrer. Hinyaan niyang magsalita si Ayen sa pakay nito.



"Binalaan na kita noon, pero binalewala mo lang 'yon, at ngayon kakausapin kita ulit." Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita ulit. "Parang awa mo na, lumayo ka na sa kapatid ko. Huwag mong hayaang tuluyang magulo ang buhay niya."



"Pero Ayen--"



"Kung may malasakit ka pa sa kanya at kung talagang mahal mo siya, lalayuan mo na siya. Maawa ka naman sa Pamilya mo, sa asawa at sa anak mo. Alam ko ang pakiramdam ng iniwanan at hiniwalayan, Ervic. Masakit ang magkaroon ng broken Family. Lalo pa't bata pa ang anak niyo. Sinasabi ko 'to dahil pareho kami ng nararanasan ni Carlyn."


"Mahal ko ang kapatid m--"


"Ang pagmamahal na 'yan ang unit-unting sumisira sa kapatid ko. Alam mo bang hindi kami nag uusap ng dahil sa'yo? Galit din si Dad sa kanya dahil nalaman niya ang tungkol sa inyo."


Nabigla tuloy si Ervic sa nalaman. Wala kasing nababanggit na gano'n sa kanya si Natalie.


"Pakiusap, huwag mong hayaang tuluyang masira ang relasyon naming Pamilya dahil lang sa pansarili niyong kaligayahan. Isipin niyo din ang mga taong naka paligid sa inyo."


Hindi tuloy alam ang sasabihin ni Ervic. Gusto niyang sabihin sa kaharap na buntis si Natalie kaya hindi niya ito pwedeng hiwalayan dahil tulad ni Carlyn, baka kung anong gawin ni Natalie sa sarili niya kapag hiniwalayan niya ito. Baka madamay pa ang batang dinadala nito.


"Ilang beses ko ng pinagsabihan ang kapatid, ko pero ayaw niyang makinig sa'kin. Nagawa pa niyang suwayin si Dad. Baka lalong lumala ang sakit ni Dad sa ginagawa ni Natalie. Kaya ikaw ang kinausap ko dahil alam kong makikinig ka sa'kin."


Napabuntong hininga lang si Ervic. Hindi siya makaka pangako sa kaharap na hihiwalayan nga niya si Natalie. Kaya tahimik na lang siya. It's better to keep his mouth closed.


SINAMAHANG magpa check up ni Ervic si Natalie sa Ob-gyne nito. Ayon dito parehong healthy naman ang dalawa. Hindi nasabi ni Natalie na ilang beses siyang uminom ng gamot nung hindi niya pa alam na buntis siya. Gamot para sa sakit ng ulo. Tutal healthy naman daw sila pareho kaya hindi nalang 'yon binanggit ni Natalie sa kanyang ob-gyne.


The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon