Epilogue

13.2K 174 102
                                    

Pagkatapos ng mahabang panahon na panunuyo ulit ni Ervic kay Carlyn ay tinanggap niya ulit ito at nagsama na muli bilang isang masayang Pamilya tulad ng dati. Halos dalawang taon ding nagtiis si Ervic sa panunuyo sa asawa. Pero worth it naman. At naramdaman muli nito na mahal pa rin niya si Carlyn kahit nung mga panahong sila pa ni Natalie ay hindi nawala ang pagmamahal na 'yon. Marahil ay naguluhan talaga siya ng mga oras na si Natalie ang kasama niya.


Ilang taon din ang lumipas at marami na ang nagbago.


Naging stable na ang pangkabuhayan nina Ervic. Nagsumikap kasi siya at ng maka ipon na ay umupa sila ng maliit na stall sa may QC at ginawa nilang tindahan. Dahil sa pagsusumikap ng mag asawa ay napalago nila ito at naging maliit na grocery store na.



Nasa mall ang Pamilya ni Ervic, si Carlyn, si Nicko at ang bunso nilang anak na si Natasha. Sunday kasi ngayon, Family Day kaya lumabas silang Pamilya. May ilang trabahador naman sila sa grocery store kaya may magbabantay naman.


"Nicko anak, samahan mo na si Natasha na sumakay sa carousel." Pakiusap ni Carlyn sa kanyang nagbibinatang anak na si Nicko.


"Mama, ayoko na ngang sumakay diyan, malaki na 'ko eh. Nakakahiya na." Parak ni Nicko.


"Nung bata ka pa nga gustong gusto mong sumakay sa carousel at sa lahat ng mga rides eh."


"Ma, noon yun, bata pako noon, ngayon malaki na'ko."


"Tama nga naman, nag bibinata na itong anak natin, Carlyn." Sang ayon ni Ervic kay Nicko. 14 years old na kasi si Nicko at si Natasha ay 5 years old na.


"Buti na lang nandito si Papa at may kakampi ako." Lumipat siya sa side ng kanyang Ama.


"Naku, kayo talagang mag-ama."



Hindi nila namalayang wala na sa tabi nila si Natasha.


"Teka, nasan si Shai?" Alalang tanong ni Ervic.


Agad naman nilang hinanap ang anak na si Natasha.


Kumawala sa pagkakahawak si Natasha sa kanyang Mama at naglakad palayo sa mga ito nang makakita ng mannequin sa isang store. Pinagmamasdan ni Shai ang malalaking mannequin na naka display. Akala niya malaking manika ito na pwedeng bilhin.


"Wow, ang laking doll." Hinahawakan pa niya ang binti ng mannequin.


Nang may lumapit na isang babae sa kanya. Tinitignan kasi nito ang damit na naka suot sa mannequin. Balak niya atang bilhin, nang mapansin nito si Natasha. "Hello, baby girl. What's your name?" Anang Natalie na siya palang nakakita kay Natasha.


"Natasha po, pero Shai po ang tawag nila sa'kin."


"Sino'ng kasama mo? Bakit ka nag iisa dito?"


"Si Mama po tsaka si Papa tsaka si Kuya." Binalingan niya ulit yung mannequin. "Pwede ko po bang bilhin itong malaking manika?"



Natawa tuloy si Natalie sa sinabi ng bata. "Gusto mo ba talaga ng malaking doll?"


"Opo."


"Shai?" Anang Carlyn nang makita ang anak sa loob ng store.


"Mama." Linapitan niya si Carlyn at yumakap siya dito.



Pagkakita ni Natalie kay Carlyn ay nabigla siya. Napatitig sila sa isa't isa nang muling magkita. Ni walang makapag salita sa kanila. Then unang ngumiti si Carlyn kaya nginitian na din siya ni Natalie.


Nang dumating na din si Ervic. Hindi alam ni Natalie pero bigla na namang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita muli si Ervic matapos ang mahabang panahon. Hindi niya maipaliwanag ang mararamdaman.


"Shai, sa'n kaba nagpuntang bata ka?" Tanong ni Ervic. Ni hindi niya napansin si Natalie.


"Hon, si Natalie." Sabi ni Carlyn kay Ervic.


Tinignan naman ni Ervic si Natalie. Nagtinginan na naman sila sa mga mata. Waring nangungusap ang mga ito.


"Hi." Bati ni Natalie kay Ervic.


Ngiti lang ang isinagot ni Ervic kay Natalie. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin dito matapos ng mahabang panahon. Pitong taon to be exact.


Sinulyapan naman ni Natalie ang isang matangkad na binata sa likuran ni Ervic at napansin naman 'yon ni Carlyn.


"Nicko, na aalala mo paba ang Tita Natalie mo? Tanong ni Carlyn.


Pumunta si Nicko sa gilid ng kanyang Ama at tinignan si Natalie. "Hi po."


Napangiti si Natalie. "Nicko, ang laki-laki mo na ah. The last time I saw you was 7 years ago at batang bata kapa no'n."


Napakamot sa kanyang ulo si Nicko at ngumiti sa tinuran ni Natalie.


Nabaling naman ang tingin ni Natalie kay Natasha. "Bunso niyo?"


Tumango naman si Carlyn. "Si Natasha."


Pilit na ngumiti si Natalie. Masaya siya dahil nagka balikan ngang muli si Carlyn at Ervic. At nakikita niyang masaya naman ang mga ito at maayos ang buhay.


Nang may lumapit na Fil-Am boy kay Natalie at kinawit nito ang kanyang kamay sa beywang ni Natalie. "Babe, let's go."


Napatingin naman ang mag asawa sa Fil-Am boy na biglang dumating.


"Babe, I want you to meet Ate Carlyn and--and Ervic, they are my good friends here. And those are Nicko and Natasha, their kids." Pagpapakilala ni Natalie kina Carlyn sa Fil-Am boy.


"Hi." Bati ng Fil-Am boy kina Carlyn.


"He is Calvin, my fiancei." Sabi naman ni Natalie kina Carlyn at Ervic.


Nginitian naman ng mag asawa si Calvin at kinamayan na din. Nung kinamayan ni Ervic si Calvin ay pinaka titigan niya itong mabuti. Nakatingala lang siya dahil di hamak na mas matangkad ito sa kanya.


"Let's go." Yaya ni Calvin sa girlfriend.


"Kailangan na naming umalis."


"Paalam, Natalie." Mabilis na sabi ni Ervic tsaka sila nag titigan ulit ni Natalie.


At kapwa na sila naglakad palayo sa isa't isa. Sa kaliwang bahagi ng mall dumiretso sina Ervic habang sa kanan naman sina Natalie.


Habang naglalakad ay nilingon pa ni Natalie si Ervic at eksakto namang nakalingon din sa kanya si Ervic. Nagtinginan pa silang dalawa habang hawak-hawak nila ang kamay ng kani-kanilang partner.



Now Playing: Goodbye to you by Michelle Branch

Goodbye to you
Goodbye to everything that I knew
You are the one I love
The one thing that I've tried to hold onto



---------------------------

The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon