Chapter 29

1.1M 25.2K 6.5K
                                    

Chapter 29

Ang Basted

"WHY?" Agad kong tanong pagkatapos niyang ibulalas sa harapan ko ang alok niya.

Yes, I love Jayden so much! Pero hindi ako basta-bastang sasagot niyan. I still feel unstable.

"You want assurance, right? Then I give you my name. I give you my world. I give you my heart." Aniya nang nakaluhod parin.

Nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad. Gusto niyang mapawi ang insecurities ko kaya niya ito ginagawa. Hindi niya na ako niligawan. Mabilisan niya na lang na sinabi ito para agad ko siyang sagutin dahil alam niya kung anong isasagot ko rito. Madaya. Alam niyang mahal ko siya kaya pipikutin niya na lang ako basta-basta.

Binaba ko ang bouquet. Nakita kong namutla siya dahil sa ginawa ko. Kinagat ko ang labi ko. Ang lakas lakas ng pintig ng puso ko.

"This is ridiculous, Jayden. Why here?" Sabay turo ko sa place na pinangyarihan. "Wala man lang candles? Wala man lang magandang view? Just, why here? Basta-basta na lang ba ako? Bakit? Noong nanligaw ka kay Trisha, saan mo siya dinala? Na i-surpresa mo ba siya ng kahit ano-"

Mas lalo siyang namutla sa sinabi ko.

"S-Stop comparing yourself, Charity! Hindi ko siya niyayang magpakasal, ikaw lang! Can't you see, I'm serious!" Giit niya.

Yumuko ako at dahan-dahang umiling.

"No."

"What?"

"I said, no, Jayden, I'm not marrying you."

Pumihit ako at dumiretso sa pintuan. Iniwan ko siya doong nakaluhod at nakatunganga.

Agad kong pinagsisihan ang ginawa ko sa kanya. Damn it, Charity! Mahal mo yung tao pero tinanggihan mo? It's because, I just can't marry him kahit hindi pa nawawala ang issues naming dalawa.

Kaya imbis na makisalamuha kay Jayden ay binusog ko na lang ang sarili ko sa tanawin ng Bantayan. Nang gumabi ay dumiretso ako sa kwarto dahil alam kong nandoon pa siya sa opisina at maraming ginagawa.

Humiga ako sa kama at agad nag flashback sa utak ko ang lahat ng nangyari kanina. Jayden on bended knees habang ipinapakita sakin ang isang singsing na may diamond sa gitna. Kailan niya iyon inorder? Imposibleng kanina lang. Ibig sabihin, mejo matagal-tagal na? O baka naman sa Cebu niya pa iyon pinlano?

Baka napressure ko siya dahil sa mga sinabi ko sa kanya noong umaga? Mabilis akong nakatulog at nagising ako ng madaling araw.

Nilingon ko ang gilid ko at nakita kong wala parin si Jayden doon. He's still working? O baka naman sinasadya niyang hindi umuwi dito sakin?

Tumayo ako para puntahan siya sa opisina. Dahan-dahan ang lakad ko nang palapit na ako doon. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto.

Bumungad sakin ang nakasandal niyang batok sa swivel chair. Tulog na si Jayden.

Lumapit ako sa kanya. Kaharap niya parin ang kanyang laptop. Mukhang hindi niya pa ito napapatay. Siguro sa kalagitnaan ng pagtatrabaho niya ay nakatulog siya.

Ginalaw ko ang mouse para tignan kung anong ginawa niya kanina. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong nakikipagchat siya doon.

Trisha Roncesvalles Salazar. Iyon ang pangalan ng ka-chat niya. Napalunok ako at sinulyapan ang mahimbing na dragong natutulog. Sapo ko ang dibdib ko habang ini-scroll ang mga pinag-usapan nila. He's still in contact with her. May communication. Alam ba ito ng asawa niya?

Hindi na ako humihinga habang pinagmamasdan iyon. Nakita ko ring background ng pag cha-chat nila ay ang profile ko sa Facebook. Ang tagal ko nang hindi nag oonline. Kaya naman outdated na ang mga pictures ko. Profile Picture ko pa iyong Status Party last March. Hindi ko pa nakikilala si Jayden niyan.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon