Chapter 19.1.3

30.6K 627 10
                                    

Published: September 24, 2013

Dito Lang by Jed Madela ---->

********

CHAPTER 19.1.3

KATIE's POV

Para akong kiti-kiti at kanina pa ako hindi mapakali.  Panay ang tingin ko sa aking relo at kung puwede lang hilahin ang oras. Sobrang excited na ako sa date namin ni Ricky. I knew that it will only be just an ordinary date but just the thought that magde-date kami, masaya na ako!

Actually, hindi naman din ako masyadong prepared sa date namin. Nagbaon ako ng damit at nagpalit kaagad ako sa locker room ng girls matapos ang huling klase ko. Medyo ahead ako nang thirty minutes sa kanya kaya nakapag-ayos rin ako ng buhok.  Isinuot ko ang favorite wedge shoes ko na katerno ng pink dress ko. Naglagay ako ng light make-up at ipinaligo ko ang pabango ko. O diba? hindi ako prepared?! Tila ako baliw na napapangiti lang sa harap ng salamin.  Kung siguro may nakakakita sa akin ay iisiping nasisiraan na ako nang bait.

Itinabi ko muna ang school uniform at bag sa locker. 'Yung shoulder bag muna ang inilabas ko at doon ko inilagay ang wallet at cellphone ko.

Pumunta na rin ako kaagad sa may garden malapit sa lobby ng school. Dito kasi ang usapan naming magkikita kami. Tumawag na rin ako sa bahay para ipaalam na medyo male-late ako nang uwi.

Halos fifteen minutes rin akong naghihintay nang mamataan ko na siya sa hindi kalayuan. Kumaway kaagad ako sa kanya and he sweetly smiled. God, ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Naka faded jeans at white collar t-shirt na lang din siya. Wait, hindi ba over dress ako?

"Hi baby..." He leaned down and softly kissed me on the lips.

"Hi..." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang kilig.  'Yung fact na hinalikan ako, kahit na may ibang tao, masarap din sa pakiramdam 'yun. Feeling ko proud siya sa akin and so am I to him.

"Well, you look... beautiful."  Puri pa niya habang matamang nakatitig sa akin.

"Overly dressed ba ako?"

"No, you look fine." Pinisil niya ang pisngi ko. "Maganda ka na rin naman without make-up pero okay na rin."

"Kaunti lang naman," Nahihiya pang sabi ko at gusto ko lang naman maganda ako sa date namin.

"I said it's okay. Tara na." Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at naglakad kami palabas ng school.

At dahil parehas kaming popular sa school, me, being the rich bitch and him, being the smartest student talagang pinagtitinginan kami. Lalo na n'ung mga students na head over heels ang pagkaka-crush sa boyfriend ko! Well, mamatay sila sa inggit!

"This is not good. Mukhang uulan pa a." Sabi pa niya habang nakatingin sa ulap. Holding hands kami papunta sa sakayan. I totally don't have any idea kung saan kami pupunta.

"Oo nga 'no." Nakitingin na rin naman ako at tama siya, madilim nga.  Mukhang uulan pa nang malakas.

"May payong ka ba sa locker mo?"

"Wala e.  Hindi ba sanay ako nang sinusundo?"

"Oo nga pala." Napakamot pa siya ng ulo.

"Saan ba tayo pupunta?" Kumapit ako sa braso niya at mariin kong kinagat ang labi ko. Nae-excite na talaga ako!

"Mag dinner lang tayo." Sagot niya sabay kurot sa aking pisngi. "Pero 'wag kang mag-expect nang mamahaling restaurant, okay?"

"Kahit sa tabi-tabi lang 'yan, okay lang sa akin."  Sabi ko pa at iyon naman ang totoo.  Basta't kasama ko siya, sapat na para mabuo ang araw ko.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon