Chapter 22.1.2

27.9K 576 4
                                    

Published: October 2, 2013

CHAPTER 22.1.2

KATIE's POV

It's been what? Two years?  Yeah, two long years. The longest years in my entire life! Hindi ko nga alam kung paano ko nakagraduate. I have no idea how I did it. I am still hurting pero somehow I was able to regain myself back into reality. I am still not dating anybody pero may mga suitors naman. Ewan ko ba, hindi ko pa rin magawang buksan ang puso ko para sa iba. Alam kong mali pero si Ricky pa rin ang nilalaman ng puso ko at wala nang iba.

Ngayon ay nandito ako sa isa sa company na pag-aari ng family namin. Medyo sinasanay na ako ni papa sa pagpasok sa opisina. I still find it too boring since hindi naman ito ang field of interest ko. Pero ano pa nga bang magagawa ko kung ito ang gusto ni papa? Gusto ko sana siyang tanungin about Ricky.  Kung adopted na rin ba siya bilang Del Castillo at namamahala na rin sa mga business namin. Haist, move on, Katie. Move on!

"Katie..." Napaangat ako nang tingin at hindi ko inaasahang makikita ko siya.  Sobrang tagal na panahon ko siyang 'di nakita.

"Mama?" Napatitig ako sa kanya at saglit na nag-alangan. Si Mama nga ba 'to? Bakit parang ibang-iba ang hitsura niya.

"Hi..." Mapait pa siyang ngumiti at agad na naglandas ang luha sa kanyang mga mata.

"Ma!" Agad akong tumayo at mabilis na umikot sa kinatatayuan niya.  Niyakap ko siya nang sobrang higpit at hindi pa rin ako makapaniwalang dinalaw niya ako. "I missed you, ma." Hindi ko rin naiwasan ang maiyak. Ang tagal na panahon ko siyang hindi nakita. Even if a part of me wanted to hate her, I still missed her. She's still my mom. She is still Mrs. Veronica del Castillo.

"I-I'm sorry, sweetie..." Humihikbi pang sabi niya at ramdam ko ang sinseridad sa mga salita niya.

"Are you okay, ma?" Noon na ako bumitiw sa yakap niya.  I looked at her closely.  Nakakapanibago talaga ang hitsura ni mama. Sobrang namamayat at humpak ang pisngi niya. She has dark circles around her eyes.  Her skin is so pale and lifeless. I thought she's doing fine. Bakit siya nagkaganito?

"O-of c-course, I'm fine..." Pilit pa siyang ngumiti at kahit matagal na kaming hindi nagkikita, I still knew her.

"You don't look okay? Are you sick?" Hindi ko pa rin mapigil ang magtanong.

"N-no, sweetie. I am perfectly fine. Don't worry about me okay." Hinaplos niya ang pisngi ko at bahagyang pinisil iyon.  I saw longing in her eyes. She must have missed me too. "You look so pretty."  Sabi pa niya at tipid lang akong napangiti. 

"Am I?" How I wish I could tell her kung ano ang pinagdaanan ko sa loob ng dalawang taon.

"Yes, sweetie. You look so pretty." Naluluha pa niyang sabi at napapikit lang ako sa haplos niyang iyon sa pisngi ko. I wonder kung alam niya ang tungkol sa pagkakaroon ng anak ni papa before pa man sila magpakasal? Oh well, I don't think I am in the position to tell her. Besides, may family naman na rin siyang iba.

"Akala ko nakalimutan mo na ako." May paghihinampo pang sabi ko sa kanya. Nakakatampo naman talaga siya. Kung siguro nasa tabi ko lang siya n'ung mga panahong kailangang-kailangan ko siya, baka sana mas madali akong nakamove-on.

"That will never happen, okay?" She assured me. "B-but I have a huge favor, sweetie..."  Parang nag-aalangan pang sabi niya.

"What is it, ma?" She looked pretty tense.

"C-can you lend me some m-money?" Nahihiya pang sabi niya at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.  Seriously? My rich mother is asking me to lend her money?

"How much money do you need?" I don't have enough courage to question her. She's my mom...

"Uhm, two million at least."  Nalaglag ang panga ko.  Whoa... that's a huge amount of money!

"Saan mo gamitin ang pera, ma?" Hindi ko na rin napigilan ang dila ko.

"M-medyo crisis lang talaga... sa b-business. Pero ibabalik ko rin kaagad sa'yo 'yun, anak. Urgent need lang and naka-invest kasi ang m-money ko." Sabi pa niya at hindi ko naiwasang magduda.  That sounded lame and weird.

"Okay, ma. I'll have it deposited on your account by this afternoon. Is that alright?" Kahit alanganin ako, mahirap tanggihan si mama.

"O-of course, sweetie. Of course..." Nagliwanag ang mukha niya at sunod-sunod na tumango. She's not really well.  She kept on fidgeting.

"Care to have brunch with me?" Excited pang tanong ko.  Gusto ko na rin siyang makabonding.  I just missed the old days with her.

"Oh no, sweetie. Maybe next time. I am running late with my meeting w-with a c-client. Yeah, client." Sagot pa niya at agad akong nalungkot.  Akala ko pa naman makapag-bonding kami. "I'm really sorry, sweetie."

"I-it's okay, ma. I understand." Mapakla lang akong ngumiti.  Alam ko namang may iba na siyang priorities.  Pero umaasa ako na sana ay magkaroon pa rin kami ng time together.

"I really need to go. I'll pay you, okay." Pinisil-pisil pa niya ang kamay ko and agad na naman siyang nagluha. "Take care..." She kissed me on the cheek again.

"Take care too, ma." Tumango pa ako sa kanya at sinundan ko na lang siya nang tingin palabas. I wonder what's going on with her. I just hope she's just okay. I really hope.

********

RICKY's POV

Another day again at work.  Actually, baka nga ako na ang pinakamasipag na tao sa buong mundo! For two years, wala akong ginawa kundi ang magtrabaho nang magtrabaho. Don Alonzo, my father, recommended me to work to someone he knew here in New York City. I somehow managed to divert my attention to work. At ngayon nga, Operations Manager ako ng isang sikat na modeling agency.

He offered me to work for him pero that would be a no. I just can't. I can't be working side by side with Katie. I just can't. Tinatanong rin niya ako kung okay lang daw na baguhin ko na ang surname ko and legally ilagay bilang isa sa tagapagmana ng mga Del Castillo. But that's a definitely no for me too. Hindi ko pa rin kayang tanggapin na kapatid ko si Katie. I still love her and it's a sin to love her more than just a sister. Mas gugustuhin kong manatiling Olivares habang buhay. And tatay Dante, will always be my father.

Besides, kaya lang naman din ako nagpatulong na malayo sa Pilipinas ay para mas madali kong makalimutan si Katie.  Though I knew, failure ako d'un. But I moved on. I think I do. Somehow.

At ngayon nga ay sakay ako ng eroplano pabalik sa Manila. Both for business and short vacation na rin. I missed my family and her. But of course, as much as I wanted to see her, it can't be any help for me.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon