Chapter 26.1.2

29.6K 605 15
                                    

Published: October 9, 2013

CHAPTER 26.1.2

KATIE's POV

The next day, maaga pa lang ay pinuntahan na ako ni Ricky sa office. But this time, siya naman ang may dala ng breakfast. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa namin ni Ricky pero masaya kami. Masaya kaming magkasama...

And yeah, I am breaking some rules now. Umalis kami ni Ricky sa office at tinakasan namin ang mga bodyguards ko. At bago pa man sila makapagsumbong kay papa ay nag-message na ako kay papa at sinabi kong magkasama kami ni Ricky. He'll go frantic I know. For sure katakot-takot na award ang aabutin ko mamaya!

Ngayon nga ay papunta kami ni Ricky kung saan sakay ng rented car niya. Ang gwapo niya on the wheels. And, all I wanted to do is just seize the moment while we still can.

"Your father will definitely kill me this time." Biro pa niya at bahagyang sumulyap pa sa akin. His all time favorite expression.

"No, he won't. Takot lang niya sa'yo." I giggled. Alam ko namang gustong-gusto rin ni papa na maging Del Castillo na rin siya. Kaya nga lang ay  wala din siyang magawa. "Saan tayo pupunta?"

"Bahala na." Iyon lang ang sagot niya at tipid na ngumiti.

"Tama ba itong ginagawa natin?" Alala pa akong napatitig sa kanya.  Alam ko naman ang patutunguhan nang lahat nang ito.  Masasaktan pa rin kami sa huli.

"I don't know either. We only have a couple of days anyway."  Mapait pa siyang ngumiti.

He is right. Just a couple of days. And this time, there is no backing out. We have to completely move on and forget each other's love, permanently.

I actually don't know kung anong lugar ang pinuntahan namin. Basta mataas na mataas siyang lugar at tanaw ang dinaanan namin kanina. Para ba siyang mini mountain at nand'un kami sa tuktok. Puro bangin na ang nasa paligid namin.

"Ang ganda dito ha." Sabi ko pa sa kanya while enjoying the scenery. Tirik na ang araw pero hindi namin maramdaman ang init dahil nakakubli kami sa dalawang malalaking puno at malakas ang ihip ng hangin. "Paano mo naman natuklasan 'to?"

"Wala naman. N'ung college days may kaibigan akong nagdala sa akin dito." Kuwento pa niya at naupo sa nag-iisang stone bench na tila ba sinadyang ilagay doon para pang sight seeing. "Come here." Inilahad pa niya ang kanyang kamay para alalayan ako. Naka stilettos kasi ako at lumulubog ang takong ng sapatos ko sa lupa at damo.

Naupo naman ako sa tabi niya at muli kong in-enjoy ang magandang view.

"Ang saya sana natin kung-" bahagya pa siyang natigilan. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga kanyang mata. "...kung hindi sana tayo magkapatid." Mapakla pa siyang ngumiti sa akin at muling tumingin sa malayo.

"Oo nga." Sang-ayon ko pa at ang bigat sa pakiramdam. Feeling ko ba, magpapaalaman na talaga kami.

"Ngayong araw na 'to puwede bang kalimutan nating magkapatid tayo?" Seryoso pa ulit siyang bumaling sa akin. Tila ba nananantiya sa reaksyon ko.

Ano pa nga bang sasabihin ko?  Alam kong masasaktan lang kami sa bandang huli pero kahit sa huling pagkakataon gusto kong maramdaman man lang ang kalayaang mahalin namin ang isa't-isa nang walang pag-aalinlangan at takot.

At sa halip na magsalita ay mas lumapit ako sa kanya at ginagap ang  kamay niya. Ngumiti lang siya sa ginawa ko at mas hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko. Ewan ko ba, with his hands holding me, feeling ko ba ay safe na safe ko.

Believe it or not, maghapon lang kaming tumambay sa lugar na 'yun. Obviously, pinaghandaan talaga niya itong date namin. May baon siyang lunch at merienda naming dalawa. Grabe, namiss ko 'to. Namiss ko siyang boyfriend ko.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon