Chapter 29.2.4

28.9K 584 9
                                    

Published: October 23, 2013

WARNING: SPG

********

CHAPTER 29.2.4

RICKY's POV

Buti na lang at natapos ko nang maayos ang mga naiwan ko pang trabaho sa opisina. I wanted to spend time with my Katie bago pa man maging abala kaming parehas sa mga trabaho namin. Pero paalis na lang ako ng opisina nang bigla akong harangin ni Courtney.

"Take your girlfriend tonight, okay? It's Tyler's birthday remember?" Oh shit! I almost forgot. Tyler is a good friend. We used to be officemates pero lumipat na siya sa ibang company.

"Okay fine, can you just text me the venue then."

"Okay, I'll text you. I just hope your girlfriend is not the jealous type because your stalkers will be there." Pabiro pang sabi niya.

Napailing lang ako sa sinabi niya. Katie is definitely a very jealous type. Sa tingin ko parehas lang naman kami. Anyway, mga friends ko lang naman din ang tinutukoy ni Courtney na stalkers ko. Though alam ko namang noon pa man ay inaakit na talaga ako ng mga babaeng 'yun. It will be a tough night for sure, knowing how playful they are, magwawala talaga si Katie.

Halos apat na oras din akong nanatili sa office. Medyo nahihilo pa rin ako sa dami nang ginawa ko. Good thing that it's all done and I'll get to spend longer hours with baby. Hindi pa man, namimiss ko na siya kaagad.

Pagdating ko sa suite ay naabutan ko siyang nanonood ng t.v. sa sala.

"Baby!" Agad pa siyang tumayo para salubungin ako. Mahigpit siyang  yumakap sa akin and immediately initiated the kiss.

"Okay... Hi..." Sabi ko na lang after leaving me breathless with her kiss.

"I missed you." Malambing pang sabi niya.

"I missed you too."  Okay, ang cute lang niya tingnan sa pink baby tee at maong shorts na super ikli actually. "Are you packed?"

"Yup!"  Noon na siya lumayo at agad na isinuot ang pink stiletto na match sa baby tee niya. And with those heels, she's definitely very pretty.

"Come on." Humawak pa siya sa braso ko habang hila-hila ko ang suitcase niya papunta sa lobby para magcheck-out.

Hindi naman din kalayuan ang tinutuluyan ko sa workplace ko. It was located on the Upper East Side and super convenient dahil malapit sa mga shopping malls at fine dining restaurants.

"Welcome to my humble abode." Pinagbuksan ko pa siya ng pinto.

"Wow..." Nanlaki ang mga mata niya at awang ang labi habang iginagala ang tingin sa buong kwarto. "Ang cute ng apartment mo, baby."  Mangha pang sabi niya.  Oh well, one bedroom apartment lang naman ang tinutuluyan ko, pero spacious naman at malaki rin ang mga closet. Sa tingin ko, magkakasya pa ang mga damit niya at hindi naman din karamihan ang mga damit ko.

"You like it?" Noon ko na isinara ang pinto.

"But of course! I love it!" Nagmamadali pa siyang pumunta sa balcony. "And you have a nice view here too."

"Yeah, especially at night."  Itinabi ko  ang suitcase niya sa may closet at sinundan ko siya sa balcony. Mataas na ang araw pero malamig naman ang simoy ng hangin.

"Mukhang nae-enjoy mo na ang New York a?" Baling pa niya sa akin. Parehas kaming nagmamasid sa kagandahan ng Manhattan at ng East River.

"Hmmm..." Tumango lang ako nang bahagya. "Abot-kamay ko na ang mga pangarap ko dito."

Ngumiti siya at nagniningning ang kanyang mga mata.  Dahil kaya kasama na niya ako? "Saan tayo mag-date tonight?"

"Oh tonight," napakamot pa ako ng batok. Wish ko lang ay okay lang sa kanyang mag Disco Bar kami. "Birthday n'ung friend ko, si Tyler and nagi-invite siya later."

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon