Chapter 29.3.4

26.9K 501 10
                                    

Published:  October 25, 2013

CHAPTER 29.3.4

KATIE's POV

Ngayon nga papunta na kami sa Disco Bar na paggaganapan daw ng birthday n'ung friend niya. It's an underground disco. Club Shelter. I've never been in any club here before but as expected ang daming tao.

"Ricky, bro!" Nakangiting tawag pa sa kanya ng isang lalaki.  That must be Tyler. Gwapo rin ha.

"Happy Birhday, bro!" Nakipagyakapan lang siya d'un sa friend niya. Sa accent pa lang, mukhang Pinoy rin.

"Thanks, man!" Tinapik lang niya sa balikat si baby at noon na siya napabaling sa akin. "You have company."

"Oh yes, Ty, this is Katie, my girlfriend. Baby, this is Tyler, he's one of my closest friends here in New York." Pakilala pa niya sa amin.

"Hello Katie! I heard a lot about you." Kinamayan pa niya ako. Wala akong masabi sa kagwapuhan niya. Hindi sila naghuhuli sa kagwapuhan ng baby ko. Mas matangkad nga lang siya nang kaunti at mas maskulado ang katawan.

"Really?" Napatingin lang ako sa nakangiting baby ko. "I hope they are good."

"Oh yeah!" Sagot din naman niya at matamis na ngumiti.

Matapos noon ay ipinakilala na niya ako sa circle of friends nila. Halo-halo din ang kanilang nasyon at karamihan ay puro mga babae.  Lots of sexy and pretty girls. Nasa sampu din kami and, I don't remember any of their names dahil ang lakas ng music.  Except for Courtney of course na nakilala ko na sa office niya.

Actually, okay naman 'yung place, spacious and sparsely decorated. Mabuti na lang at hindi rin kami masyadong kumain ni baby dahil ang daming pagkain sa table. At siyempre mawawala ba ang alak? Jeez...

Medyo tahimik lang ako habang nakikinig sa mga pag-uusap nila. Hindi ako maka-relate since sila sila lang naman ang nakakaalam ng mga pinagkukuwentuhan nila. At si baby, wow lang.  Ang galing niya mag-english talaga. Para bang New Yorker talaga siya at kahit ang accent ay  adapted na niya. Mayroon lang akong hindi gusto. 'Yung tatlong babaeng kanina pa nakatitig sa aming dalawa lalo na sa boyfriend ko. Kanina pa sila nagbubulungan tapos ay tatawa sabay tingin sa akin?! Anong problema nila?! Kakairita ha! Lumalabas na naman ang Malditz radar ko!

"Oh Ricky, come on! Let's dance!" Bigla pa talagang hinila nila si baby sa kamay! Hello! Nandito ako!

"Hey, stop that!" Pigil pa ni Tyler na iiling-iling. "He got company." Nakita kong dinilatan pa niya 'yung tatlong makiring babae na kaunti na lang ay  kita na ang perlas ng silanganan nila!

"Oh come on, we're just having fun and I'm sure Katie wouldn't mind? Is that right, girl?" Tanong pa n'ung blonde girl na mukhang pinaka-makiri sa lahat!

Ano pa nga bang magagawa ko, ayaw ko namang isipin nilang killjoy ako. I pretended to be okay, kahit na sa totoo lang, gusto kong pumatay ng tao!

"She's cool, Ricky!" Sabat naman din n'ung isa. Brunette siya na 'oh my' din ang suot.  Alam kaya nila ang tinatawag na disenteng kasuotan?!

"I'll be right back, baby." Hinalikan pa niya ako sa noo at sumama d'un sa tatlong makikiring mga babae!

"Don't mind them, Katie." Si Courtney na iiling-iling pang ngumiti. "Just have a drink." Inabutan pa niya ako ng alak.

Tumango lang ako at nagkunwaring okay. Nang tumingin ako sa dance floor, surprisingly ay nagsasayaw din si baby. He is good huh. Way too good actually. At 'yung tatlong makikiring mga babae, nakapaikot sa kanya at panay rin ang pagwawala sa dance floor.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon